Marivic Ramores Balane

Si Nanay Marivic Balane ay 56 years old, ipinanganak sa Jose Panganiban, Camarines Norte, at asawa ni Tatay Avelino. May anim silang anak na pawang nasa sapat na edad na.

Mahigit dalawampung taon na ang negosyo ng mag-asawang Marivic at Avelino na ngayon ay tinatawag na Marivic Native Delicacies. Minana nila ang galing sa paggawa ng angko (isang uri ng pagkain na may pagkakahambing sa Japanese mochi) sa kanilang mga ninuno. Ilang henerasyon na ng pamilya Balane ang nakilala sa paggawa ng angko sa Vinzons, Camarines Norte. Itinuloy ni Nanayt Marivic ang tradisyon na ito at noong 2012 ay nanalo siya bilang Vinzons Master Chef (Angko Category). Nasundan ito ng pagkapanalo niya ng pangalawang puwesto sa Biggest Size of Angko Competition noong 2015. Hanggang ngayon ay kinikilala ang lalawigan ng Camarines Norte sa tradisyonal nitong proseso ng paggawa ng angko na gumagamit ng gilingang bato at pinaiikot ng makina.

Katulong ni Nanay Marivic ang kanyang buong pamilya sa pagpapatakbo ng negosyo at sa pagharap sa mga hamon tulad ng kakulangan ng makinarya. Pangarap niya na makapagpundar ng makabagong kagamitan sa produksyon upang sabayan ang mga pagbabago sa uso at panlasa ng mga mamimili.​


Product Types
Product Price
Product Photo

Angko (Small)

Php 15

Angko (Big)

Php 25

Angko Plate 
(50pcs)

Php 165 (small)
Php 270 (big)

Angko Bilao 
(100pcs)
Php330 (small)
Php530 (big)
Special Tikoy
Php 85 per tub
min. of 8 tubs
Pandecillos
Php 35
Hinalo
Php 12
Masa Podrida
Php 15

Pili Roll Whole

   Pili Roll Half

Php300

   Php150

min. of 2 rolls

Kinawkaw Php40 per pack (Minimum of 5 order)
Puto Cheese (Rice and Flour) Php330 per bilao
Pandecillos in a box  Php110
Sliced Tikoy Php16 pesos (Minimum of 15 pack)

 

Contact Number: (0907) 218-9301

Email: melbalane@gmail.com

Facebook: Marivic Native Delicacies

Address:Barangay III, Vinzons, Camarines Norte 

Link: https://www.iskaparate.com/marivic-ramores-balane

Share this article

Liquid error (layout/theme line 76): Could not find asset snippets/preorder-now.liquid