Maricar Lee

Si Nanay Maricar Lee ay 38 years old, ipinanganak sa Pangasinan, maybahay ni Tatay Mark, at naninirahan sa Legazpi City, Albay.  May apat silang anak. 

Bata pa si Nanay Maricar ay pinangarap na niyang maging isang negosyante at food technologist.  Maaga siyang nakapagtrabaho kaya't hindi na niya nakuhang magtapos sa kolehiyo.  Nang siya ay makapag-asawa, nag-isip siya ng paraan para madagdagan ang kita ni Tatay Mark na isang overseas worker noon.  Binalikan niya ang ambisyon niyang maging negosyante at gumawa siya ng creamy pili peanut butter   Pinatikim niya ito sa mga kapitbahay, kamag-anak at kaibigan at nagustuhan naman nila ito.  Dahil dito, naengganyo siya na magrehistro sa Department of Trade and Industry at lumahok sa maraming mga training program sa pagnenegosyo.  Naipakilala siya sa Socio-Economic Development Program Multi-Purpose Cooperative (SEDP-MPC) na nakapagbigay sa kanya ng marami pang oportunidad na palaguin ang kanyang negosyo at gumawa pa ng ibang produkto. 

Sa kabila ng maraming hamon lalo na nang dumating ang pandemya, nagpapatuloy ang negosyo ni Nanay Maricar katulong ang kanyang asawa at ang kanyang kapatid.  May tatlo ng lasa ang kanyang pili peanut butter ngayon:  original na flavor, no sugar at muscovado. Pangarap ni Nanay Maricar na magkaroon ng mas malaking production area, maparating ang kanyang mga produkto sa mga grocery at sa kalaunan ay makapag-export.     ​
Liquid error (layout/theme line 76): Could not find asset snippets/preorder-now.liquid