Desiree Joy Marie Acosta

Si Ate Desiree Acosta ay isang maybahay at ina na tubong Nueva Vizcaya. Pangalawa siya sa tatlong magkakapatid at anak ng isang magsasaka. Ang kanyang asawa ay si Kuya Jerry na isang account councilor. Mayroon silang dalawang anak.

Nagstart siyang matuto mag grafting ng adenium habang pinapanuod ang kanyang kaibigan at naging interesado matuto sa labis na kagandahan ng mga bulaklak ng adenium. Nagresearch siya at bumili ng mga rootstock para subukan magpalago ng halamang iyon. Halos dalawang taon bago siya natuto kung kaya’t pag uwi niya sa kanyang ina nagmungkahi siya na inegosyo ang paghahalaman ng adenium at naging matagumpay naman ito. Noong una wala pang masyadong nakakaalam sa mga produkto niya kaya napapagkamalan fake ang mga flowers ng halaman nila subali’t nagpursigi sila sa kanilang munting negosyo. Marami sa kanilang parokyano ang bumalik sa kanila upang mamili uli dahil nakapag bulaklak sila ng kanilang halaman. Marami ang nahalina sa kagandahan ng ibat ibang variety ng adenium flowers. Malaking hamon sa kanila tuwing sasapit ang tag ulan dahil wala silang UV plastic para maiwasan na masobrahan sa tubig kaya may mga nasisirang halaman. Nakakalungkot pero kailangan bumangon at magsimula muli. Sa kasalukuyan nagsisimula silang magpatubo ng mga seedlings at dahil sa pandemya nagmahal ang rootstock sa ibang lugar kaya natigil sila sa pagkuha at dahil na rin sa laki ng gastos sa shipping fee pansamantalang naubusan sila ng paninda. Ganunpaman, nananalangin sila na sana maging maayos ang kanilang mga rootstock upang magpatuloy ang kanilang negosyo.

Product Price
Mother Plant ₱500
Arabicum Hybrid ₱5,000
Mayana/Dara dara ₱50
Seedlings of Adenium ₱15
Calachuchi Adenium ₱500

 

Contact number: (0955) 998-0788

Email: ericmalab@gmail.com

Facebook: Bagabag Adenium Garden

Address:

Calutlutan, Lantap, Bagabag, Nueva Vizcaya

Link: https://www.iskaparate.com/desiree-joy-marie-acosta

 

Share this article

Liquid error: Could not find asset snippets/preorder-now.liquid