Si Ate Rizza Jade ay 27 years old, naninirahan at naghahanapbuhay sa Lamitan City, Basilan Province. May tatlong silang anak ng kanyang asawa na si Kuya Andro. Pinasok ni Ate Rizza Jade ang negosyo ng paghahabi upang maitaguyod ang pag-aaral ng tatlo niyang anak at matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng kanyang pamilya. Natural kay Rizza Jade ang pagiging magaling sa paghahabi. Kilala ang mga Yakan ng Basilan City na pinakamagaling sa paghahabi sa buong bansa. Napakapino ng kanilang produkto kaya't inaabot ng isang linggo para mabuo ang isang metro ng tela. Ang produkto ng mga Yakan ay hinahangaan sa lahat ng bahagi ng bansa dahil sa galing ng disenyo at pagkakagawa. Dahil malaki ang naitutulong ng negosyong ito kay Ate Rizza, ibinubuhos niya ang kanyang sipag at kaalaman sa paggawa ng mga produktong ikararangal niya. Dahil sa Covid19, humina ang negosyo ni Ate Rizza. Nabawasan ang mga customer at naging mahirap ang supply ng materyales. Nguni't umaasa pa rin siya na makakabangon sa pamamagitan ng online marketing.
Products | Price | |
Seputangan (Diamond Design) | PHP 1,800 | ![]() |
Yakan Coinpurse | PHP 50 | ![]() |
Birey-Birey (Bamboo Design) | PHP 500 | ![]() |
Table Runner Yakan Cloth | PHP 500 | ![]() |
Yakan Clutch Wallet (Women)
Yakan Folding Wallet (Men) |
PHP 170
PHP 150 |
![]() |
Yakan Bag (Large) |
PHP 550 |
![]() |
Contact Details:
(0975) 958-3650 / (0938) 156-0937
Email: brizzajade@gmail.com
Facebook: Rizza Jade Sahdan Babon
Address:
Barangay Bohe-Ibu 7302, Lamitan City, Basilan Province
Link: https://www.iskaparate.com/rizza-jade-babon