Si Nanay Monina ay 55 years old, kasalukuyang naninirahan sa Tanza, Navotas, at asawa ni Tatay Tito. May tatlo silang anak, dalawa ang nagtratrabaho na at isa ang nag-aaral pa. Matagal nang gumagawa ng peanut butter si Nanay Monina para makatulong sa gastusin ng mga anak niyang nag-aaral. Nag-umpisa siyang magbenta sa mga kamag-anak at kapitbahay at dahil maganda ang feedback, inalok na rin niya ang mga nakatira sa barangay nila. Ipinagmamalaki niya na ang kanyang peanut butter ay creamy, walang artificial preservatives at 100% healthy. Ang kakanin naman niya ay gawa sa glutinous rice, mature coconut milk, at organic sugar. Pansamantalang natigil sa pagluluto si Nanay Monina nguni't nang dumating ang pandemya, naisipan niyang balikan ang negosyong ito upang makatulong sa mga ka-barangay na hindi makalabas ng bahay. Hinahanap ng nga suki niya ang kanyang mga produkto dahil palaging bagong gawa at lubos na masarap. Nais palawakin ni Nanay Monina ang kanyang market sa pamamagitan ng online exposure. Tulad ng ibang mangangalakal, nais niya ng negosyong pangmatagalan at maraming customer na naaabot.
Product | Price | |
Monica's Peanut Butter | Php 150 for 500g Net Weight | ![]() |
Monica's Special Kakanin (Biko) | Php 120 per tub | ![]() |
Contact Details:
(0967) 021-4705
Email: monicaspremiumspread@net-shopping.com
Facebook: Monina Galvez
Address:
9 Sampaguita Street, Merville Subdivision, Tanza Navotas City, Metro Manila
Link: https://www.iskaparate.com/monina-galvez