Si Ate Mocrimah ay 31 years old at naninirahan sa Barangay Dayawan, Marawi City. Siya ay kasapi ng Dayawan Handicraft Loom Weaving Producers Cooperative. Nag-umpisa ang samahan na ito bilang karaniwang asosasyon noong 1992 hanggang sa maging kooperatiba noong January 2019. Layunin ng kooperatiba na paunlarin ang komunidad ng Dayawan hindi lamang para sa kapakanan ng matatanda nguni't para rin sa mga kabataan na nagnanais mapanatili ang sining at tradisyon ng Maranaw. Ang mga produkto nila, kilala sa Langkit o Landap style, ay may authentic at customized Maranao design. Ipinagmamalki ng mga Maranaw ang kanilang natatanging malong na gawa sa isang kulay o dalawang kulay na nagsasalitan. Marami pang ibang woven products ang kooperatiba na bunga ng maraming oras ng matiyagang paggawa.
Lubhang mabigat ang dagok ng Covid19 sa kooperatiba dahil nawalan sila ng benta, nagmahal ang materyales at tumaas ang pamasahe. Umaasa pa rin si Ate Mocrimah at ang kanyang mga kasama sa kooperatiba na makakabangon sila kung mas maraming makakapansin sa kanilang mga exotic products.
Product | Price | |
Yakan Earsaver | Php 80 | ![]() |
Yakan Lace | Php80 | ![]() |
Landap | Php 500 per meter | ![]() |
Coin Purse (Small) | Php 120 | ![]() |
Coin Purse (Large) | Php 120 | ![]() |
Landap | Php 50 | ![]() |
Langkit Cloth (Handwoven) | Php 2, 500 | ![]() |
Langkit Cloth (Machine) | Php 1,500 | ![]() |
Contact Details:
(0910) 749 5072
Email: dayawanhandicraft@gmail.com
FB: Dayawan Handicraft Loom Weaving Producers Cooperative
Address:
Barangay Dayawan, Marawi City
Link: https://www.iskaparate.com/mocrimah-muhammad