Eugenia Navarro

Si Nanay Eugenia Navarro ay 57 years old, hiwalay sa asawa, at may limang anak.  Lahat ng kanyang mga anak ay naghahanapbuhay na nguni't naglalaan ng panahon para makatulong sa negosyo. 
Itinatag ang Navarro's Mushroom Products noong 2018 bilang proyekto sa unibersidad ng pang-apat niyang anak.  Nang makapagtapos na sa kolehiyo ang anak niyang ito, ipinagpatuloy ni Nanay Eugenia ang negosyo upang hindi masayang ang kanilang pinuhunan.  Bagaman hindi madali ang negosyong ito dahil sa maselang pag-aalaga na kailangan at ang madalas na pagdating ng bagyo sa Bicol Region, nakita ni Nanay Eugenia ang malaking oportunidad sa mushroom products dahil ito ay masustansya at maganda sa kalusugan.  Nagtulungan ang buong pamilya upang palawakin ang market ng kanilang mga produkto at nakatanggap din sila ng mahalagang alalay mula sa Socio-Economic Development Program Multi Purpose Cooperative (SEDP MPC) at Santeh Foundation. 
Natural na sangkap lamang at walang chemical preservative na ginagamit si Nanay Eugenia.  Maituturing na masustansya at malusog na alternatibo sa tradisyonal na snack at junk food ang kanyang mga produkto.  Ang kanyang Pickled Mushroom ay patok sa merkado dahili manamis-namis at maasim-asim.  Ang Crispy Mushroom at Lumpia Mushroom ay gustong gusto ng kabataan dahil wala halos pinagkaiba sa karne ang lasa. 
Sa kabila ng malalaking hamon na dala ng pandemya, patuloy na lumalago ang negosyo ni Nanay Eugenia.  Ngayon ay may mga customer na sila sa Makati, Fort Bonifacio, Taguig, at Pasig City dahil nakakatulong ang kanyang anak na may trucking business.  Nais ni Nanay Eugenia na mapalaki pa ang kanyang negosyo upang makatulong siya sa mga taong naghahanap ng trabaho. 



Crispy Mushroom

Php85.00

 

Pickled Mushroom

Php170.00

 

Lumpia Mushroom

Php40.00

 

Fresh Mushroom

Php290.00

 

Contact Details: 0945-425-4689

Email: contact.iskaparate@gmail.com

Messenger: iskaparate.com

Link: https://www.iskaparate.com/eugenia-navarro

Share this article

Liquid error (layout/theme line 76): Could not find asset snippets/preorder-now.liquid