Vivian Mayames

Si Nanay Vivian Mayames ay 45 years old, ipinanganak sa San Marcelino, Zambales, nguni't kasalukuyang naninirahan sa Mankayan, Benguet, kasama ang kanyang asawa na si Tatay Andrew at tatlo sa apat nilang anak.  Ang panganay niila ay may sarili nang pamilya habang ang tatlong sumunod ay nag-aaral pa.

Parehong nagtapos ng college si Nanay Vivian at Tatay Andrew at ginagamit nila ang kanilang pinag-aralan sa pagnenegosyo.  Pinag-aralan nilang mabuti ang paggawa ng snacks na hindi junk food at napili nila ang rice chips dahil maraming bigas at mais sa ating bansa.  Nag experiment sila kung paano malalagyan ng lasa ang plain rice chips para magustuhan ng mga Pilipino kahit ang panlasa ng karamihan ay nasanay na sa maalat at ma-vetsin na kutkutin.  Sa halip na plain rice chips ay nilagyan nila ng iba't ibang flavor ang kanilang produkto.  Maganda sa kalusugan ang kanilang rice chips dahil ito ay popped at hindi fried, hindi gumagamit ng mantika.  Bukod sa pag-innovate ng produkto para maging malasa ito, naging malaking paghamon din sa kanila ang paghahanap ng market.  Sa tulong ng Department of Trade and Industry, nakilahok sila sa mga training workshops at seminars lalo na sa product development upang umayon ang kanilang produkto sa hinahanp ng mga consumer.  Ngayon ay unti unti nang lumalago ang kanilang negosyo nguni't hangad pa rin nila na magkaroon ng trademark at makilala ang kanilang brand ng mas malawak na market.  

Ang pandemya ay naging malaking balakid sa pagpapalago nila ng negosyo dahil nahinto ang operation ng mga bus stops, souvenir shops at tourist destinations na kanilang dinadalhan ng produkto.  Pati transportasyon ay naging malaking suliranin dahil ang pangunahin nilang market ay Baguio City.  Sa tulong ng online marketing at selling, umaasa silang makakatawid sila sa Covid19 crisis at maibabalik ang dating volume ng negosyo nila.  
Liquid error (layout/theme line 76): Could not find asset snippets/preorder-now.liquid