Sarah Del Mundo

Si Nanay Sarah ay 45 years old, isang single mother na may dalawang anak.  Itinatag niya ang Vilcraftyca Handicraft noong February 2016 bilang isang manufacturing business.  Ang kanyang mga produkto ay sinamay bagsm slippers, sandals, buri/raffia at karagumoy.  Gawa sa natural na materyales ang lahat ng kanyang mga produkto.  Sa patuloy na pag-aaral at pagpapatupad ng good business practices, napalago niya ang kanyang negosyo na sumusuporta sa limampung mga nanay at community based workers sa kanilang lugar at karatig barangay.  Adbokasiya niya ang makatulong sa mga nanay at out of school youth na walang hanapbuhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho na makakadagdag sa knailang kabuhayan. 

Sa panahon ng Covid19, nahirapan si Nanay Sarah mag-market ng kanyang produkto at tuloy nawalan na ng kabuhayan ang marami sa kanilang komunidad.  Nabawasan na rin ng malaki ang kanyang working capital.  Sa kabila ng lahat, patuloy pa rin si Nanay Sarah sa pagsisikap na ibangon ang Vilcraftyca at pinag-iibayo niya ang pagbebenta sa Metro Manila.  Sa ngayon, nakakakita na si Nanay Sarah ng kaunting liwanag dahil nagbabalikan na muli ang kanyang mga customers.  Sa pamamagitan ng Iskaparate.com, nais niyang mapalawak pa ang nararating na merkado ng kanyang mga produkto.    

Apparel & Accessories

Hotel Slippers

₱144.00

Liquid error (layout/theme line 76): Could not find asset snippets/preorder-now.liquid