Si Nanay Raiisa ay naninirahan sa Dagupan City, Pangasinan at may isang anak. Kasapi siya sa Pangasinan Entrepreneurs Association, Inc. Mahigit apat na taon na ang kanyang negosyo. Ang kanyang mga bangus delicacies ay may iba't ibang style at kombinasyon ng mga flavors nguni't palaging nangingibabaw ang lasa ng Dagupan bangus na kilala at hinahanap ng marami. May mga flavors na patok sa mga bata katulad ng bangus with tomato sauce dahil sa pula nitong sarsa. Mayroon ding mga bagay sa breakfast at may mga flavor din na magandang ihalo sa pasta o gawing ulam. Lahat ng mga produkto ni Nanay Raiisa ay tumutugon sa mga partikular na panlasa at hilig ng iba't ibang segment ng Filipino market.