Ma. Liza Domingo Ambol

Si Nanay Liza ay taga Paniqui, Tarlac.  Nagdesisyon siya noong 2020 na magnegosyo at itayo ang Lizza's Native Delicacies upang madagdagan ang pangtustos sa araw araw na pangangailangan ng pamilya.  Tupig ang pinili niyang produkto sapagka't ang kanyang lalawigan ay kilala sa espesyal na pagkaing ito.  Dalawa ang kanyang special flavor:  plain cheese at ube cheese.  Tumutulong sa kanya ang panganay niyang anak na siyang namamahala sa recipe at siya ring naghahanap ng bagong customer.  Dahil masarap ang kanyang produkto, pilit ginagaya ito ng mga ibang gumagawa ng tupig nguni't malikhain at maparaan si Nanay Liza at ang kanyang anak sa pag-iisip ng mga technique upang maging katangi-tangi ang kanyang produkto sa mga mamimili.  Pangarap ni Nanay Liza na makilala ang kanyang produkto sa iba't ibang bahagi ng bansa at maging sa ibayong dagat.  
Liquid error: Could not find asset snippets/preorder-now.liquid