Lea Mancera

Si Nanay Lea ay 50 years old, ipinanganak sa Albay, may asawa at apat na anak. Mula sa wire and metal frames business ng pamilya ng kanyang asawa na si Tatay Daniel, nahikayat sila ng isang negosyante na pasukin ang handicraft business at gamitin ang seagrass at abaca mula sa Bicol bilang raw material. Ilan sa mga produkto nila ay hampers, baskets at vases. Dahil sa Fine Arts background ni Daniel, maganda ang kanilang naging design at kalidad. Nakatawag pansin ang kanilang mga produkto sa iba’t ibang buyer hanggang sa makatanggap sila ng export orders. Lumago ang kanilang hanapbuhay at kinailangan nilang mag-empleyo ng maraming weavers at frame makers.

Bukod sa mga local residents sa Muntinlupa, binigyan nila ng training ang 100 inmates sa New Bilibid Prisons at tumugon naman sa hamon ang mga ito. Ayon sa mag-asawang Lea at Daniel, topnotch ang workmanship ng mga inmates at mabilis ang kanilang trabaho. Dahil sa arrangement na ito, naging productive ang mga inmates at nakatulong ng pinansyal sa kanilang mga pamilya. Dalawampung taon na ang mag-asawang Lea at Daniel sa negosyong ito.

Si Nanay Lea ay Regional Awardee for Luzon ng 2019 Citi Microentrepreneuship Awards (CMA).  Layunin ng award na ito na kilalanin ang mga natatanging microentreprenuers sa Pilipinas. Ito ay sa pagtutulungan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Citibank, at Microfinance Council of the Philippines, Inc.  Ang paggawad ng parangal ay ginanap noong ika-26 ng Nobyembre 2019 sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ito ay dinaluhan ng iba't-ibang microfinance institutions sa bansa. Ang nasabing parangal ay ginawad ni Governor Benjamin Diokno ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Malaki ang naging epekto ng Covid19 sa negosyo ni Lea at Daniel dahil humina ang export orders. Nguni’t naniniwala ang mag-asawa na malalampasan nila ang krisis na ito sa tulong ng mga Pilipino na makakilala sa kanila sa pamamagitan ng online at local selling.

Baskets

Rectangular Hamper Side Table

₱1,200.00

Baskets

Square Storage with cover

₱500.00

Baskets

Round Jar Planters

₱800.00

Baskets

Round Tray Glass Rack

₱400.00

Baskets

Round Planters Bulging

₱350.00

Baskets

Rectangular Tray

₱140.00

Baskets

Rectangular Tray

₱225.00

Baskets

Rectangular Storage

₱425.00

Baskets

Round Planters

₱300.00

Liquid error: Could not find asset snippets/preorder-now.liquid