Junalyn A. Alivio

Si Ate Junalyn ay 33 years old, naninirahan at nagnenegosyo sa Tagbilaran City, Bohol.  Wala pa silang anak ng kanyang asawa na si Kuya Rudel. 
 
Dahil isa siyang masugid na tagapagtaguyod ng kalikasan, ibinubuhos ni Ate Junalyn ang kanyang talino at sipag sa paggawa ng mga produktong gumagamit ng likas na materyales at hindi plastic o chemicals.  Ang kanyang motto ay “Maging bahagi tayo ng solusyon, hindi ng polusyon”.  Ang mga pangunahin niyang produkto ay artisanal shampoo bars at soap.  Maging eco-warrior ka man o isang karaniwang mamayan na nagpapahalaga sa iyong kalusugan o isang tagapagtaguyod ng alternatibong lifestyle, magugustuhan mo ang mga eco-friendly products ni Ate Junalyn.  Tinitiyak ni Ate Junalyn na ang kanyang mga produkto ay gumagamit lamang ng natural na sangkap katulad ng cacao, coffee, at plant extracts.  Lahat ito ay paraben-free, sulfate-free, chemical-free, at hindi sinubok sa mga hayop. Sa bawa’t isang all-in-1 bar na binibili ng kanyang mga customer, nagtatanim si Ate Junalyn ng isang fruit-bearing o tree-growing seedling. 
 
Napakalaki ng naging epekto ng Covid19 sa negosyo ni Ate Junalyn dahil ang kanyang mga eco-partner resort ay nawalan ng mga bisita at nagsara ang lalawigan ng Bohol sa mga turista.  Nguni’t sa tulong ng online selling, umaasa si Ate Junalyn na mapaparating niya sa mas malawak na audience ang kanyang mga produkto at ang kanyang mensahe na ang pangangalakal ay hindi kailangang magdulot ng pinsala sa kalikasan. 
Liquid error: Could not find asset snippets/preorder-now.liquid