Judith Kinchalos

Si Nanay Judith Kinchalos ay 39 years old, asawa ni Tatay Russell at naninirahan sa Legazpi City.  Tatlo ang kanilang anak.  

Parehong dating overseas worker ang mag-asawang Judith at Russell.  Noong 2010 ay umuwi sa Pilipinas si Nanay Judith upang mag-umpisa ng pamilya.  Si Tatay Russel na lamang ang bumalik sa pagtratrabaho sa ibang bansa.  Nang maging dalawa na ang kanilang anak at nag-umpisa silang magpagawa ng bahay, naisip ni Nanay Judith na maghanapbuhay upang madagdagan ang kita ng kanyang asawa.  Nag-umpisa siyang magbenta online noong 2016.  Ang una niyang produkto ay pili nut candy at polvoron na may iba't ibang flavor.  Kalaunan ay nag-focus siya sa polvoron.  Sa tulong ng Socio-Economic Development Program Multi-Purpose Cooperative (SEDP-MPC) at ng Department of Trade and Industry, napaganda niya ang kanyang mga produkto at dumami ang kanyang benta.  Gawa sa mga lokal na sangkap ang kanyang mga produkto.  Compact ang pagkagawa ng polvoron,, hindi madaling madurog at hindi gaanong matamis.  Ang pili ay dehydrated kaya't mas kaunti ang oil.  Ang cacao ay galing sa purong tablea kaya't parang dark chocolate lang.  Ang dried malunggay leaves na ginagamit niya ay masustansya.

Prepared Foods

Tofu Vacuum Pack

₱85.00

Candy & Chocolate

Cacao Polvoron

₱135.00

Candy & Chocolate

Pili Polvoron

₱135.00

Candy & Chocolate

Malunggay Polvoron

₱135.00

Liquid error: Could not find asset snippets/preorder-now.liquid