Jessa Bombuhay

Si Nanay Jessa Bombuhay ay 33 years old, asawa ni Tatay Gabriel na empleyado ng isang BPO, at naninirahan sa Tabaco City.  Tatlo ang kanilang anak. 

Ang mga magulang ni Nanay Jessa ay mga negosyante.  Nang mamatay ang kanyang stepfather ay nahirapan ang family business nila.  Malaki ang epekto nito sa kanilang kabuhayan kaya't kinailangang tumulong ang kanyang kapatid na nasa ibang bansa.  Nagsumikap silang makabangon muli at sumubok ng iba't ibang negosyo tulad ng hydroponics at hog-raising nguni't hindi naging matagumpay ang mga ito.  Pinasok nila ang negosyo ng chocolate making dahil nakita nilang maraming supply ng cacao sa Bicol at karamihan dito ay ginagawang tablea.  Matagal din nilang pinag-aralan ang tamang formulation bago nila nagawa ang kasalukuyan nilang mga produkto:  mga tablea na pinong pino ang pagkakagiling at less sugar, dark artisanal chocolate bars, at chocopili chocolates gawa sa puro cacao at roasted pili nuts.

Tinutulungan si Nanay Jessa ng kanyang kapatid sa paghahanap ng supplier ng raw materials habang ang kanya namang ina ay tumutulong sa produksyon. Malaki ang naitulong sa kanya ng Socio-Economic Development Program Multi-Purpose Cooperative (SEDP-MDP) upang malampasan ang mga hamon na dumating sa kaniyang negosyo.  Sa kabila ng mga suliraning idinulot ng pandemya, patuloy pa ring umaasa si Jessa na mapapalawak niya ang kanyang merkado at patuloy na lalago ang kanyang negosyo.   

Candy & Chocolate

Dark Chocolate Bar 62% Cacao

₱75.00

Candy & Chocolate

Dark Chocolate 62% Cacao with Peppermint

₱55.00

Dips & Spreads

Premium Cacao Chocolate Spread

₱195.00

Liquid error: Could not find asset snippets/preorder-now.liquid