Nag-umpisa si Nanay Emely sa negosyo noong 2020. Dahil mahilig ang kanyang pamilya sa kakanin, naisip niyang magluto at ipatikim din sa mga kaibigan at kapitbahay. Nagustuhan ng marami ang kanyang niluto kaya ginawa na niya itong hanapbuhay. Sinisikap niyang busugin sa sangkap ang kanyang luto upang masiyahan ang mga bumibili. Katuwang niya ang kanyang limang anak sa kanyang negosyo at pinapangarap nila na makilala ang kanilang mga produkto at magkaroon sila ng brand sa mga customer.