Em Agustin San

Si Nanay Em ay 36 years old, ipinanganak at kasalukuyang naghahanapbuhay sa Manila.  Siya at ang asawa niya na si Tatay Ramoncito at may dalawang anak. 

Noong 2010 ay nagsimula siyang gumawa ng cupcake kasama ang kapatid niya.  Sumali sila sa mga bazaar at trade fair. Hands on si Nanay Em sa negosyo, mula sa paggawa ng produkto hanggang sa pagtatayo ng mga stalls.  Kalaunan ay nakagawa na rin siya ng delicacies kasama ang isang partner na Chef.  Kasali sa mga produkto nila ngayon ang mga chocolate cake, chocochip cookies, hazelnut coffee, coco sugar, banana loaf at iba pa.  Bukod dito, distributor ng Batangas Longganisa si Nanay Em. 

Nilabanan ni Nanay Em ang pandemya sa pamamagitan ng online selling at napagtagumpayan naman niya.  Pangarap niya na balang araw ay magkaroon ng sariling kapihan na may garden. 
Liquid error: Could not find asset snippets/preorder-now.liquid