Cornelio Buencamino

Si Tatay Cornelio Buencamino ay 54 years old, ipinanganak sa San Miguel, Bulacan, at asawa ni Nanay Lani na isang guro at negosyante.    May tatlo silang anak na pawang nasa kolehiyo at tumutulong sa kanilang negosyo. 

Matagal na rin sa negosyo si Tatay Cornelio at Nanay Lani.  Binuo nila ang  ang Sweet Bulakenya Foods na ngayon ay gumagawa ng iba't ibang delicacies tulad ng kesong puti, empanada, ube jam, pastillas de leche, at yema spread.  Pangunahing sangkap ng kanilang mga produkto ang 100% pure carabao's milk kaya naman masarap at mainam sa kalusugan ang mga ito bukod sa nakakatulong sa mga lokal na magsasaka.  

Hindi madali ang simula ni Tatay Cornelio at Nanay Lani sa negosyo.  Nalugi ang una nilang pagawaan ng empanada dahil napinsala ng malaking baha ang mga naimbak nilang raw materials.  Bumangon silang muli sa tulong ng Foundation for Enterprise Management, Inc. (FEMI) at napalaganap nila ang kanilang negosyo sa kabila ng malalaking hamon tulad ng maigting na kompetisyon at mga natural calamity. 

Dahil sa malaking pangangailangan ng kanilang negosyo sa packaging at dahil na rin sa popularidad ng online selling, nakita ni Tatay Cornelio ang pagkakataon na pasukin ang packaging business. Kabilang sa mga bago niyang produkto ang bubble wrap, pouch at packaging tape.  Ang mga ito ay kailangan para mapanatili ang kalidad ng produkto habang dinadala ito sa mga online buyers.  Masasabi na ang kanyang bagong negosyo ay isang matapang na tugon sa mga hamon na dala ng pandemya 

Packing Materials

Pouch (100 pcs)

₱220.00

Packing Materials

Packaging Tape

₱65.00

Packing Materials

Bubble Wrap

₱1,095.00

Liquid error: Could not find asset snippets/preorder-now.liquid