Ralph Morales

Si Kuya Ralph Morales ay 36 years old, ipinanganak sa Pandi, Bulacan, bunsong anak ng isang overseas worker na naging magsasaka. Isang student leader si Kuya Ralph noong nag-aaral pa. Ngayon ay nagtratrabaho siya sa isang kumpanyang multinational sa Luzon. Ang kanyang maybahay na si Ate Daffe ay isang manggagamot katulad ng iba pang miyembro ng kanyang pamilya na tubong Davao at Central Mindanao.  Bukod sa pagiging pediatrician, aktibo si Ate Daffe sa community outreach projects ng ospital na pagmamay-ari ng kanilang pamilya. May isang anak ang mag-asawang Ralph at Daffe.
 
Bagaman nagtapos si Kuya Ralph ng Bachelor of Science in Public Administration and Governance, matagal na niyang pangarap na magkaroon ng sariling negosyo na magiging daan upang lalo niyang matulungan ang mga kooperatiba ng magsasaka at matustusan ang ginagawang pag-alalay ni Ate Daffe sa komunidad.  Natupad ang pangarap na ito noong Agosto, 2020 nang magpasya ang mag-asawa na gawing negosyo ang regular na pagpaparating sa Metro Manila ng tanyag na Davao pomelo. Si Kuya Ralph ang humahawak ng sales, marketing at distribution habang si Ate Daffe naman ang nakatutok sa harvesting at community engagement. 

Nagagalak ang mag-asawa na dahil sa negosyong pomelo ay patuloy silang nakakatulong sa mga maliit na magsasaka sa Mindanao at mga manggagawa sa Marikina City lalo na sa panahon ng pandemya na laganap ang kahirapan.  Hangad nila na patanyagin ang kanilang produkto hindi lamabg sa Pilipinas kundi sa buong mundo.  ​
Liquid error (layout/theme line 76): Could not find asset snippets/preorder-now.liquid