Maria Cristina Penilla

Si Nanay Cristy Penilla ay 52 years old, ipinanganak sa Malabon, maybahay ni Tatay Francisco, at naninirahan sa Legazpi City, Albay. May tatlo silang anak. Dalawa ay may sarili nang hanapbuhay habang ang bunso ay nag-aaral pa.

Itinayo ni Nanay Cristy ang kanyang negosyo matapos siyang dumalo sa isang training program ng Socio-Economic Development Program Multi-Purpose Cooperative (SEDP-MPC) kung saan ay hinamon silang gumawa ng mga kakaibang produkto. Ngayon ay gumagawa siya ng iba't ibang uri ng palaman tulad ng tomato jelly at yema spread at specialty items tulad ng atsara at chili oil. Masipag dumalo si Nanay Cristty sa mga trade fair ng Department of Trade and Industry at mga pagsasanay ng SEDP-MPC. Noong una ay nahirapan siyang ipakilala ang tomato jelly sa merkado nguni't dahil sa kaniyang tiyaga ay unti-unti rin itong tinanggap ng mga mamimili. Lahat ng produkto niya ay hango sa mga lokal na gulay at prutas at hindi gumagamit ng plastic packaging. Naging suliranin kay Nanay Cristy ang pandemya dahil nagsara ang mga malls at pasalubong shops nguni't nagpursigi pa rin siya na ituloy ang negosyo. Katulong niya ang kanyang pamilya sa paghahanapbuhay at umaasa sila na mapapunlad nila ang CG Ceegee Food Products at makaktulong sila sa maraming kababayan.

 

Products Price
Yema Spread with Pili Nuts 225g Php191.00
Yema Spread with Chocolate Premium Bicol Tablea 225g Php191.00
Tomato Jelly 110g Php98.00
Chili Oil 110g Php120.00
Atsarang Singkamas 340g Php191.00
Atsarang Sayote 340g Php191.00

 

Contact Details:  

0945-425-4689

Email: contact.iskaparate@gmail.com

Messenger:  iskaparate.com

Link: https://www.iskaparate.com/maria-cristina-penilla

Share this article

Liquid error: Could not find asset snippets/preorder-now.liquid