Miriam R. Jarobilla (Catering and Venue Set-Up)

Si Nanay Miriam ay 56 years old, galing Oriental Mindoro at naging solo parent sa apat na anak na tumutulong sa kanya sa negosyo. Noong 2009 ay nagtayo siya ng carwash at baby diapers. Naging Party Needs, Tables and Chairs Rental ang negosyo niya noong 2013. Nadagdagan ng Catering at Venue Set-Up ang hanapbuhay niya hanggang sa bumagsak ang kaniyang mga negosyo dahil nagkasakit ang kanyang asawa noong 2015 at namatay.

Bumangon siya noon ding 2016 at nagpundar ng printing equipment, computer printer, laptop at mga gadgets para sa t-shirts, souvenir items, stickers at tarpaulins. Nakabili siyang muli ng isang motorsiklo para sa purchasing, deliveries, at mga errands.

Ipinagmamalaki ni Nanay Miriam na matibay at branded ang mga bagay na ginagamit niya sa party needs rentals. Mataas ang antas ng imprenta at maganda ang designs at layouts ng mga printing jobs na ginagawa nila. Branded at mataas ang kalidad ng mga supplies niya.

Dahil sa Covid19 lockdown, nabawasan ng 70% ang kanyang negosyo. Nilalabanan niya ang krisis sa pamamagitan ng ibayong sipag. Nagdagdag siya ng mga bagong produkto sa kanyang negosyo katulad ng gourmet tuyo at organic virgin coconut oil.

 

Services  Price
Table and Chair Settings Starts at Php500
Backdrop and Cake table settings Starts at Php500
Games and giveaways  Starts at Php500

 

 

Contact: (0918) 568-1904

Email: djballoons@yahoo.com / miriamramilojar@gmail.com

Facebook: Dominic Balloons

Address:

Dominic Balloons (Party Needs Rentals, Printing Shop)

252 Sto. Domingo Street, Holy Spirit, Quezon City

Link: https://www.iskaparate.com/miriam-r-jarobilla-catering-and-venue-set-up

 

Share this article

Liquid error: Could not find asset snippets/preorder-now.liquid