Ma. Victoria Generalo

Si Nanay Victoria ay 48 years old, ipinanganak sa Antipolo City at panganay sa apat na magkakapatid. Nakatapos siya ng high school at nagtrabaho bilang winding operator sa isang textile company. Tatlo ang anak nila ng kanyang asawang si Tatay Pepe. Ang panganay nilang anak ay isang undergraduate sa kursong drafting at may sarili ng pamilya. Ang pangalawa nilang anak ay nakapagtapos ng Hotel and Restaurant Management at ang bunso nilang anak ay nag-aaral ng Information Technology. Dahil may karamdaman si Tatay Pepe, ang pangalawa at bunsong anak ni Nanay Victoria ang tumutulong sa kanya sa negosyo.

Nagsimulang magnegosyo si Nanay Victoria pitong taon na ang nakakaraan. Nais niyang makatulong sa kanyang asawa na isang construction worker noon. Nagluto siya ng popcorn at matamis na mani upang madagdagan ang pangtustos nila sa pangangailangan ng pamilya. Ngayon ay nadagdagan na ng kutsinta, puto, carrot cheese cake, condensed cake, bibingka, cassava flan at repacked na mani ang kanyang mga produkto. Pangarap ni Nanay Victoria na magkaroon ng sariling puwesto at ng maraming resellers. Ipinagmamalaki ni Nanay Victoria na ang mga gawa niyang pagkain ay malinis at presyong pangmasa.

Isang suliranin sa negosyo ni Nanay Victoria ang paminsan-minsang kanselasyon ng mga order lalo na't kung nakapamili na siya ng ingredients. Nang dumating ang pandemya, naging limitado ang mga order ng mga regular customer at nagtaasan ang presyo ng mga sangkap. Hindi pa rin siya sumusuko at umaasa siyang babalik din ang dating sigla at lakas ng pangangalakal.

 

Product Price
Kutsinta  Php 200 for 100pieces
Kutsinta Tub  Php 35  for 15pieces
Puto Cheese Tray Php 250 for 100 pieces
Puto Cheese   Php 40 for 15 pieces per Tub
Carrot Cheese Cake Php 250 per piece
Condensed Cake Php 65 per piece
Peanuts Php55 per tub
Repacked na Mani Php 50 for 12 packs
Cassava Flan Php 60 per piece
Bibingka Php 15 per piece

 

Contact details:

(0917) 759-0743

Email:

generalomavictoria@gmail.com

Facebook: Triple J Kitchen

Address:

#46 Spain St. Sitio Kaila 2 Brgy. San Roque Antipolo City

Link: https://www.iskaparate.com/ma-victoria-generalo

Share this article

Liquid error: Could not find asset snippets/preorder-now.liquid