Josephine Festejo

Si Nanay Josephine ay 59 years old, ipinanganak sa Masbate, asawa ni Tatay Ricardo at kasalukuyang naninirahan sa Antipolo City. May tatlo silang anak.

Nag-umpisa ang negosyo ng mag-asawang Josephine at Ricardo noong 1996. Bago niya pinasok ang negosyo ng herbal soap, matagal ding namasukan si Nanay Josephine bilang sales person ng beauty products sa mga kumpanyang tulad ng We Believe and Care, Avon, Aura Beauty Products at Herway. Natuto siya ng soap making mula sa isang isang chemist sa kumpanyang pinagtrabahuan niya. Nang kalaunan ay kumuha rin siya ng pormal na kurso sa soap manufacturing sa Technology Resource Center. Nakita niya ang malaking potensyal ng natural soap at pinangarap niyang magkaroon ng sariling negosyo. Kahit maliit ang kanilang kapital at makaluma ang kagamitan, nag-umpisa ang mag-asawa na gumawa ng natural soap sa likod ng kanilang bahay katulong ang dalawang manggagawa. Sa matiyagang pamamahagi ng mga sample sa kanilang target market, napansin sila ng mga customer hindi lang sa Metro Manila kundi sa mga lalawigan ng Cebu, Iloilo, Masbate, Bicol, at ilang bahagi ng Mindanao. Ngayon ay may pitong trabahador na sila at nakakagawa ang kanilang pabrika ng dalawang libong sabon sa bawa't production run. Nakapagpundar na rin sila ng delivery equipment at makabagong makinarya.

Kilala na sa merkado ang brand na "Dagta" na tumutukoy sa sustansya ng prutas o halaman. Ang produkto nila ay dinadala ng maraming direct selling organizations, clinics, skin care distributors at iba pa. Sa mga darating na araw ay nagbabalak si Nanay Josephine na maglunsad ng bagong linya ng produkto sa skin care essentials. Malaki ang pag-asa niyang magiging matagumpay din ito at mas marami siyang mabibigyan ng hanapbuhay.

Product Price
Dagta Akapuko Php100.00
Dagta Oat Milk Herbal Soap Php100.00
Dagta Papaya Herbal Soap Php100.00
Dagta Aloe Vera Herbal Soap Php100.00
Dagta Rich Herbal Soap Php100.00
Dagta Gluatathione Php145.00

 

Contact Details:  

(0969)0104178

Email: contact.iskaparate@gmail.com

Messenger:  iskaparate.com

Link: https://www.iskaparate.com/josephine-festejo

Share this article

Liquid error: Could not find asset snippets/preorder-now.liquid