Jinky Javierto at CAT-EDPC

Si Nanay Jinky Javierto ay 49 years old, asawa ni Tatay Frederick, at may apat na anak. Kinakatawan niya ang Central Azucarera de Tarlac - Employees Dependents Producers Cooperative (CAT-EDPC). Ito ay isang koopertiba na binubuo ng mga dependents ng mga empleyado ng Central Azucarera de Tarlac. Karamihan sa mga miyembro nito ay mga ina na nagnanais makatulong sa kabuhayan ng kanilang pamilya. Maraming negosyo ang pinasok ng kooperatiba nguni't sa paggawa ng estopa (basahang bilog) sila nakakita ng malaking demand. Naging malaking buyer ng produktong ito ang CAT. Pagdating ng pandemya, naramdaman ng kooperatiba ang malaking pangangailangan ng face mask kaya't pinasok na rin nila ang negosyong ito.

Simula nang itatag ang kooperatiba noong Agosto 2013, maraming pagsubok na itong dinaanan. Nagkaroon ng panahon na nawalan ng interes ang ilang miyembro at hindi na naging aktibo. Nabawasan ang mga mananahi at nahirapan ang kooperatiba na punuan ang mga order ng CAT. Nguni't pinagsikapan ng pamunuan ng organisasyon na lutasin ang mga suliranin nila at ibangon ang negosyo. Bagaman pansumandaling nahinto ang pagtatahi noong kasagsagan ng lockdown, nakakabawi na ngayon ang kooperatiba at aktibo na muli ang mga miyembro. Umaasa silang tuloy tuloy nang uunlad ang negosyo ng samahan.

Product Price
Fabric Face Mask Php12.00
Estopa Php43.00

 

Contact details:

(0947) 186-1782, (0909) 304-4396
andoyfrancis26@gmail.com

Facebook: CAT-EDPC

Address: 

Barangay Central, Tarlac City, Tarlac

Link: https://www.iskaparate.com/jinky-javierto-lifestyle

Share this article

Liquid error: Could not find asset snippets/preorder-now.liquid