Gina Sernia

Si Nanay Gina Sernia ay 53 years old, panglima sa pitong anak ng mga retiradong guro.  Ipinanganak siya sa Barugo, Leyte nguni't kasalukuyang naninirahan sa San Pablo City kasama ang kanyang asawa na si Tatay Reginald at ang dalawa nilang anak.  Ang panganay nila ay isa nang Registered Nurse samantalang ang bunso ay isang Electronic Communications Engineer. 
Halos sampung taon nagtrabaho si Nanay Gina sa ibang bansa upang itagiuyod ang kanyang pamilya.  Naging household worker siya sa Lebanon, dental clinic assistant sa Cyprus, at hotel room attendant sa Canada.  Nang bumalik siya sa Pilipinas, binalingan niya ang matagal na niyang passion, ang baking.  Nag-umpisa siyang gumawa ng baked products mula sa kanyang maliit na kusina, isang oven at kaunting baking tools.  Nagbenta siya sa mga kaibigan hanggang sa dumami na ang nakapansin sa kanyang produkto.  Nakatanggap siya ng mga order sa telepono, text at Facebook. 
Noong 2016, inirehistro niya ang kanyang negosyo na Sweet Dust Patisserie sa Department of Trade and Industry (DTI) at pinalad siyang makatanggap ng mentoring.  Napili ang kanyang produkto sa One Town One Product Program ng DTI at inatasan siyang paghusayin ang product development.  Tumugon siya sa hamon at binuo niya ang standard recipe, standard raw materials, at food safety standards na naging pamantayan sa kanyang produksyon. Dahil dito, nagkaroon siya ng kumpiyansa na lumahok sa mga trade fair sa World Trade Center at SM.  Lalong lumago ang kanyang negosyo. 
Malaking setback kay Nanay Gina ang Taal Volcano eruption.  Marami sa kanyang mga reseller ay napinsala at hindi na nakabangon kaya't hindi na rin siya nakasingil.  Sinundan ang Taal Vocano incident ng matinding lockdown dahil sa Covid19 kaya't lalong humina ang kaniyang negosyo.  Dahil hindi siya makagala, ang kanyang imbentaryo ng raw materials ay nag-expire at hindi na nagamit para makagawa ng bagong produkto.  Sa kabila ng mga pagsubok na ito, buo ang loob ni Nanay Gina na siya ay makakabalik sa negosyo.  Sa tulong ng online marketing, sisikapin niyang makuha muili ang atensyon ng mga mamimili at maibalik ang kanyang distribution network.


   
  

Products and Prices:
Banana Bread (530grams) ₱260.00
Banana Bread (930grams) ₱455.00
ube cheese pandesal (45 grams) ₱235.00
Cassava Suman Ube Flavor,Macapuno String, Cheese,Coconut Milk ,Condensed Cream Cheese ,Milk,Sugar,Grated Cassava (85 grams) ₱195.00
Suman Cassava with butter,Cream Cheese and Cheddar Cheese,Macapuno String ,Sugar, Coconut Milk,Condensed Milk (85 grams) ₱195.00
Suman Cassava ube flavor with macapuno String,Cream Cheese Sugar,Coconut Milk ₱195.00
Suman Moron made from Rice and Glutinous Rice with Chocolate flavor Using pure Tablea,Coconut Milk,Peanuts ,Butter,Sugar (30 grams) ₱1,950.00
Suman Moron made from Rice and Glutinous Rice with Chocolate flavor Using pure Tablea,Coconut Milk,Peanuts ,Butter,Sugar (50 grams) ₱2,600.00
Ube Moron (10 pcs per pack) ₱325.00
Chocolate Moron (10 pcs per pack) ₱325.00
suman malagkit with mango fillings (4pcs per pack) ₱138.00
suman malagkit with blueberry fillings (4pcs per pack) ₱138.00
Classic cassava cake ₱105.00
Cassava suman in different flavors (10 pcs per pack)
Ube ₱215.00
Buco ₱215.00
Bukayo ₱215.00
Coco Jam ₱215.00
Banana bread with chocolate and sliced of almonds (size 7 aluminum pan) ₱270.00
Dessicated Coconut Macaroons (24 pcs per box) ₱145.00
Cassava Bibingka (50 grams) ₱65.00


Contact Details: 0945-425-4689

Email: contact.iskaparate@gmail.com

Messenger: iskaparate.com
 
Link: https://www.iskaparate.com/gina-sernia

Share this article

Liquid error: Could not find asset snippets/preorder-now.liquid