Estella Salay at mga Kasama

Si Ate Estella Salay ay 24 years old, asawa ni Kuya Hartzel at naninirahan sa La Trinidad, Benguet. May isa silang anak na dalawang taong gulang.

Anak ng magsasaka si Ate Estella at kinakatawan niya ang Sabdang Coral Community Development Association (SCCDA) na binuo ng mga pamilya ng magsasaka sa kanilang lugar upang mag-isip ng mga ibang paraan para kumita bukod sa pagtatanim ng gulay. Gumagawa ng karagdagang hanapbuhay ang mga kasapi ng asosasyon sa kanilang bakanteng oras habang naghihintay na tumubo ang tanim na gulay at sa mga panahon ng tag-ulan na hindi sila makapunta sa kanilang mga taniman Ang paggawa ng matibay at murang facemasks at potholders ay isa sa mga pinagkakaabalahan ng organisasyon.

Maraming hamon ang hinaharap ng mga kasapi ng SCCDA sa pagpapalago ng kanilang alternatibong hanapbuhay lalo na sa panahon ng pandemya nguni't umaasa silang unti unti nilang mapapalawak ang kanilang merkado at mapaparami ang kanilang mga orders upang umangat ang kabuhayan ng kanilang barangay.

Product Price
Pot Holder Php20.00
Face Masks Php10.00

 

Contact number: 

(0948) 159-0952

Email: desireeheartdorinasalay@gmail.com

Facebook: Sabdang Coral Community Development Association

Address:
Coral, Shilan, La Trinidad, Benguet

Link: https://www.iskaparate.com/estella-dorina-salay

Share this article

Liquid error: Could not find asset snippets/preorder-now.liquid