Si Nanay Vivian ay 45 years old, naninirahan sa Minalabac, Camarines, Sur, at asawa ni Tatay Nolan. Ang tanging anak nila ay tapos na sa kolehiyo.
Ang negosyo ni Nanay Vivian ay nag-umpisa lamang sa panahon ng Covid19. Naikuwento ng pinsan niya na may isang nagdiriwang ng kaarawan sa kanilang baranggay at nais bumili ng birthday cake nguni't hindi makapunta sa bayan dahil sa lockdown. Naisip niya na maganda sana kung mayroong gumagawa ng cake at iba pang pastries sa kanilang baranggay para hindi na kailangang pumunta pa sa bayan. Nag-isip siya ng iba't ibang ideya sa pag-bake ng cake para makabili ang kanyang mga kasama sa baranggay nang hindi na kailangang lumayo.
Ayon kay Nanay Vivian, ang kanyang cheesecake ay talagang cheesy at tamang tama lang ang tamis kaya't puwede pa rin sa mga diabetic at conscious sa diet. Ang kanyang yema cake ay malambot at sapat lang ang tamis. Para sa kanyang ube pandesal at ube halaya, gumagamit si Nanay Vivian ng mga local na sangkap. Masarap at presyong abot-kaya ang kanyang cheesy donuts at chocolate crinkles.
Dahil nagtitipid ang mga tao sa panahon ng Covid19, nahihirapan si Nanay Vivian na palaguin ang kanyang negosyo. Naniniwala siya na kung mapapalawak ang kanyang market sa pamamagitan ng online selling at home delivery, mas lalong dadami ang kanyang suki.
Product | Price | ||
Cake | ₱ 690.00 | per pc | ![]() |
Banana Loaf | ₱ 235.00 | per loaf | ![]() |
Cupcake | ₱ 210 | 12pcs per box | ![]() |
Tabrilya Puro |
₱ 150 | 12pcs for 200g | ![]() |
Roasted Cacao Nibs
|
₱ 190 |
200g per pack | ![]() |
Yema Spreadyolk
|
₱ 145 | 300ml per bottle | ![]() |
Contact Details:
Email:
Messenger: iskaparate.com
Link: https://www.iskaparate.com/vivian-hina