Virginia Mercado

Si Nanay Virginia Mercado ay 54 years old, ipinanganak at kasalukuyang naninirahan sa Bagabag, Nueva Vizcaya. Siya ay panganay sa limang magkakapatid at ang kanyang mga magulang ay yumao na.  Legally separated siya at tatlo ang kanyang anak.  Ang panganay niyang anak ay napagtapos niya ng Radiology samantalang ang bunso naman ay graduate ng Agriculture.  Ang pangalawa niyang anak ang katuwang niya sa hanapbuhay. 
Naging overseas worker si Nanay Virginia upang maitaguyod ang kanyang mga anak.  Bumalik siya sa Pilipinas sa taong ito dahil hindi na niya makayanan ang stress ng trabaho sa ibang bansa.  Sa kaunti niyang naipon sa pagtatrabaho, nagpasiya siya na magnegosyo.  Fishpond ang naisip niyang pasukan dahil ulam ang pangunahing pangangailangan ng mga tao ngayon.  Nag-develop si Nanay Virginia ng isang tilapia fishpond sa isang lupain na nabili niya.  Noong Hunyo, 2020, nag-umpisa ang kanyang fishpond operation nang maglagay siya ng tilapia fingerlings.  Makalipas ang isang buwan ay tinamaan ng fish kill ang kanyang fishpond at napilitan siyang mag emergency harvest.  Kapital lang ang nabawi niya.  Noong December 6 ay muli siyang nag-umpisa ng isang cycle at naglagay ng mga fingerlings.  Kung magkakaroon ng sapat na kapital, nais ni Nanay Virginia na ayusin pa ang kanyang fishpond at maglagay ng deep well upang maging regular ang supply ng sariwang tubig. Sa kasalukuyan ay kumukuha lang siya ng sariwang tubig sa irrigation system nguni't hindi palagian ang daloy nito.  Patuloy siyang nag-aaral ng mga magandang paraan upang mapabuti ang kanyang fishpond business. 
Pabigat ang pandemya sa kanyang negosyo dahil mahirap magbenta sa ibang bayan ng kanyang produkto.  Patuloy pa rin si Nanay Virginia sa pagpupursigi ng kanyang fishpond at inaasahan niyang makakabawi siya sa kasalukuyang cycle.  ​

 Product Price
Tilapia

PHP 105 per kilo (Wholesale)

PHP 130  per kilo (Retail)

 

Contact Details:

(0949) 877-9923

Email: verdinyamerkado@gmail.com

Facebook: Virginia Mercado

Address:

Lantap, Bagabag, Nueva Vizcaya

Link: https://www.iskaparate.com/virginia-mercado

 

Share this article

Liquid error: Could not find asset snippets/preorder-now.liquid