Vilma Halili

Mula sa pagkabata ay mahilig na si Nanay Vilma magnegosyo. Sa murang edad na 9 na taon ay natuto na syang mag tinda ng bayabas at mangga upang makadagdag sa kanyang baon. Lakip ang talento sa pagnenegosyo, patuloy syang nag-aral ng iba't ibang pagkakakitaan habang sya ay nagtratrabaho bilang administrative officer sa OASIS ACCUPUNCTURE sa loob ng 30 taon. Sa pagsisikap nilang mag-asawa napagtapos nila ang kanilang 2 anak sa kolehiyo at ang pangatlo naman ay nasa ika walong grado.

Sa kanyang naging karanasan napatunayan nya sa kanyang sarili na ang kailangan lang talaga natin ay tiwala sa sariling kakayahan, lakas ng loob at maging tapat , tumulong sa kapwa at laging magpapasalamat sa Panginoon sa mga biyaya na ating natatangap.

Naapektuhan din ng pandemya si Nanay Vilma subali't naging maagap sya at natuklasan nya ang isa pa nyang talento sa paggawa ng mga cakes na binenta nya online at sa mga kaibigan. Ito ang nakatulong sa kanila para madagdagan ang nabawasan nilang kita dahil sa pandemya. Tinitiyak ni Nanay Vilma na ang kanyang mga produkto ay masarap, malinis at hindi tinipid sa sangkap.

 

Product Price
Cake Php600
Ube Cheese Bread Php15

Turbo Chicken Php340
Cupcake Php20
Lasagna Php600 - Php840

 

Contact Details:  

(0969)0104178

Email: contact.iskaparate@gmail.com

Messenger:  iskaparate.com

 Link: https://www.iskaparate.com/vilma-halili

 

 

 

Share this article