Veronica Abrigo

Si Nanay Veronica ay 36 years old, lumaki sa Zamboanga City, nguni't kasaluikuyang naninirahan sa Bamban, Tarlac, kasama ang kanyang asawa na si Tatay Ronquillo at ang kanilang limang anak. Tatlo sa kanyang mga anak ay nag-aaral pa habang dalawa naman ang pre-school age. Bago lang sa negosyo si Nanay Veronica. Nag-umpisa siya noong Agosto 2020 dahil nais niyang madagdagan ang kanilang panggastos sa pagkain at sa school expenses ng kanyang mga anak. Gumagawa siya ng mga terno pajama, terno shorts, couple shorts at bedsheet. Ipinagmamalaki ni Nanay Veronica na ang kanyang mga produkto ay matibay. Ang kanyang bedsheet ay gawa sa Canadian cotton, makapal, hindi agad kumukupas, nguni't malambot sa pakiramdam. Hindi pa marami ang mga customer ni Nanay Veronica. Paisa isa lang ang order sa kanya nguni't nagpapasalamat siya na kahit paano ay mayroon siyang order bawa't linggo at kumikita ang maliit na puhunang pinapaikot niya. Nauunawaan niya na dahil sa pandemya ay inuuna ng mga tao ang pagkain at hindi masyadong gumagastos sa ibang bagay. Buo ang pag-asa niya na dadami ang mga order sa kanya kapag naging normal na ang sitwasyon.


 

Product Price 
Terno Shorts Php 180

Terno Pajama with Sleeve

(4 to 6 years old)

 

 

Terno Pajama with Sleeve

(1 to 3 years old)

Php 125

 

 

Php 135

Pure Canadian Bedsheet with 2 Pillow Cases

(Double Size)

 

Pure Canadian Bedsheet with 2 Pillow Cases

(King Size)

Php 375

 

 

 

Php 420

 

Contact Details:  

(0969) 010-4178

Email: contact.iskaparate@gmail.com

Messenger:  iskaparate.com

Link: https://www.iskaparate.com/veronica-abrigo

Share this article