Venus Gilber

Si Nanay Venus ay 51 years old, may asawa at limang anak. Nakatapos siya ng high school at nagsumikap na maghanapbuhay nang marangal. Isa siyang certified massage therapist at natural wellness practitioner. Kasama sa kanyang mga serbisyo ang masahe, natural wellness (vital sign, hilot, bentosa, suob, earwax removal). Ibinebenta din nya ang El Shaddai Oil na ginagamit niya sa masahe at hilot. Fifteen years na siya sa hanapbuhay na ito. Ang kanyang asawa na si Tatay Roque ay tinuruan din niya magmasahe at kasalukuyang tumutulong sa kanya bukod sa pagtitinda ng longganisa, hibi, tuyo at daing galing sa Samar. Lahat ng kanilang mga anak ay may sariling nang trabaho. Dahil siya ay masayahin at magiliw, natutuwa ang kanyang mga customer. Enjoy siya na maglingkod sa mga kapwa niya at magkaroon ng maraming kaibigan dahil sa kanyang hanapbuhay. Tumatanggap siya ng home service bukod sa onsite na serbisyo sa mga dumadayo sa kanyang puwesto.

 

Product Price  
El Shaddai Oil Php15
Masahe (Service) Php500 to Php700
Hilot (Service) Php1,000 to Php3,000

 

Contact: 

(0909) 929-2279
(0997) 665-1769

Facebook: Venus Gilber

Address:

Phase 4, Block 16 Lot 15 Poblacion 5, FVR, General Mariano Alvarez, Cavite

Link: https://www.iskaparate.com/venus-gilber

 

Share this article