Teresa Espinosa

Si Nanay Teresa Espinosa 50 taong gulang, ipinanganak sa Paco, Manila, at pangalawa sa bunso sa siyam na magakapatid. Siya ay balo at may dalawang anak. Ang kanyang namayapang kabiyak ay isa ring balo na may tatlong anak bago sila ikinasal. Maraming dagok sa buhay ang pinagdaanan ni Nanay Teresa subali’t hindi siya sumuko. Nang na stroke ang kanyang asawa, mag-isa niyang itinaguyod ang lima nilang anak. Lumaki si Nanay Teresa sa pagtitinda ng kanyang ina kasama ang kanyang mga kapatid. Kaya ang pagtitinda rin ang naisipang niyang negosyo para sa kanilang kabuhayan. Sinubukan din nyang magtrabaho bilang OFW sa Lebanon ngunit di nya nakayanan ang lungkot na malayo sa mga anak at asawa kung kaya naman bumalik siya agad. At sa kanyang pagbalik nagsumikap siyang magnegosyo muli. Pinag aralan niyang gumawa ng iba’t ibang produkto tulad ng beads ng mga wallet. Ang pagiging matatag at masipag ang naging gabay ni Nanay Teresa sa mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay at lahat ay napagtagumpayan niya para sa kanyang pamilya. Tulad ng ibang kabuhayan, nahirapan din si Nanay Teresa sa panahon ng pandemya. Dahil sa tamlay ng negosyo, naubusan siya ng kapital. Ngunit sa tulong ng Kasagana-Ka Credit and Savings Cooperative ay nagkaroon muli siya ng puhunan na siya naman ngayon niyang pinagyayaman.

 

Product Price 
Handbag PHP 600
Backpack bag PHP 800
Bag of beads PHP 500
Sling bag PHP 650
Coin Purse PHP 60
Keychains PHP 12 - PHP45

 

 

Contact: (0942) 609-0409​ / (0997) 604-1848

Email: Espinosarizza19@gmail.com

Facebook: Rizza's Cakes and Handy Craft

Address:

P1 B19 L11 Balagtas Heights, Brgy. Santol, Balagtas, Bulacan

Link: https://www.iskaparate.com/teresa-espinosa-lifestyle

Share this article