Teresa Espinosa

Si Nanay Teresa Espinosa 50 taong gulang, ipinanganak sa Paco, Manila, at pangalawa sa bunso sa siyam na magakapatid. Siya ay balo at may dalawang anak. Ang kanyang namayapang kabiyak ay isa ring balo na may tatlong anak bago sila ikinasal. Maraming dagok sa buhay ang pinagdaanan ni Nanay Teresa subali’t hindi siya sumuko. Nang na stroke ang kanyang asawa, mag-isa niyang itinaguyod ang lima nilang anak. Lumaki si Nanay Teresa sa pagtitinda ng kanyang ina kasama ang kanyang mga kapatid. Kaya ang pagtitinda rin ang naisipang niyang negosyo para sa kanilang kabuhayan. Sinubukan din nyang magtrabaho bilang OFW sa Lebanon ngunit di nya nakayanan ang lungkot na malayo sa mga anak at asawa kung kaya naman bumalik siya agad. At sa kanyang pagbalik nagsumikap siyang magnegosyo muli. Pinag aralan niya ang pagluluto ng mga kakanin at marami pang iba. Ang pagiging matatag at masipag ang naging gabay ni Nanay Teresa sa mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay at lahat ay napagtagumpayan niya para sa kanyang pamilya. Tulad ng ibang kabuhayan, nahirapan din si Nanay Teresa sa panahon ng pandemya. .

 

Product Price 
Ube Cake PHP 500
Chocolate Cake PHP 500
Puto PHP 300

 

 

Contact: (0942) 609-0409​ / (0997) 604-1848

Email: Espinosarizza19@gmail.com

Facebook: Rizza's Cakes and Handy Craft

Address: 

P1 B19 L11 Balagtas Heights, Brgy. Santol, Balagtas, Bulacan

Link: https://www.iskaparate.com/teresa-espinosa

 

Share this article