Silvino "Dong" Arionday, JR

Si Tatay Dong ay dating supervisor ng Miriam College. Nagpasya sya na mag early retirement sa edad na 52 nitong January 2020 upang maalagaan nya ang kanyang kabiyak na si Nanay Cyril, 34 na taong gulang, na maselan pinagbubuntis ang kanilang pangatlong anak. Matiwasay naman naipanganak ni Nanay Cyril si Samantha noong June 2020. Ininvest ni Tatay Dong ang kanyang retirement sa isang kooperatiba sa kanilang lugar sa Barangay Pansol, Quezon City at ang iba naman ay ininvest nya sa isang negosyo. Naging distributor sya ng Batangas Premium Garlic Longganisa na minsan nyang natikman at nasarapan sya. Masusi nyang pinag-aralan at siniyasat ang paggawa nito upang epektibo nyang mabenta sa merkado. Naging maayos naman ang takbo ng kanyang negosyo at nakapagtalaga na sya ng 8 resellers maliban sa kanya. Subali’t ng dumating ang pandmeya ng Covid19, unti-unting nabawasan na ang kanyang mga resellers ng dahil na rin sa hirap ng pagnenegosyo sa panahon ng lockdown. Nguni't pinalad pa ri siya dahil nawalan man siya ng apat na resellers, napalitan naman ito ng dalawang distributors nang mag post siya sa kanyang Facebook page ng tungkol sa kanyang product. Kaya ganoon kalaki ang kanyang pasasalamat sa mga biyaya at oportunidad na dumarating sa kanya.

Isang halimbawa si Tatay Dong ng kasabihang "There is life after retirement". Sa halip na mag-relax na lamang, binubuhos niya ang kanyang enerhiya sa pagbuo ng negosyo na hindi lamang pakikinabangan ng kanyang pamilya kundi makatutulong pa sa ekonomiya na lubhang pinadapa ng pandemya. ​

 

Product Price
Longganisa - Original/Classic Premium Php85
Longganisa - Spicy Premium Php90

 

 

Contact Details:  

(0969)0104178

Email: contact.iskaparate@gmail.com

Messenger:  iskaparate.com

Link: https://www.iskaparate.com/dong-arionday

Share this article