Shirley Soliva

Si Nanay Shirley ay 48 years old, ipinanganak sa Tagbilaran City, Bohol, asawa ni Tatay Arnolfo na katuwang rin niya sa negosyo, at may dalawang anak na parehong naging matagumpay sa pag-aaral. Matapos mamasukan sa iba’t ibang kumpanya, nagpasya ang mag-asawa na nagnegosyo. Nag-umpisa sila ng hamburger stand sa extension canteen ng isang paaralan. Nagustuhan ng masa ang kanilang mga lutong produkto at lumago ang kanilang negosyo. Nguni’t nagsara ang kanilang puwesto nang may tumutol sa lokasyon ito. Sa kabila noon, pinagtiyagaan nila ang pagbebenta mula madaling araw hanggang gabi sa kalsada. Sa pagtutulungan ng buong pamilya, nalampasan nila ang maraming pagsubok at nakapagtapos sa pag-aaral ang kanilang mga anak na mga scholars at honor students.

Kilala ang siomai ni Nanay Shirley na masarap nguni’t walang preservative. Ang kanyang lumpiang shanghai ay siksik sa laman at walang meat extender. Ang kanyang pastillas ay gawa sa purong gatas. Ang kanyang burger patties ay may itlog at gatas, walang halong harina dahil potatoes ang gamit na binder. Tulad ng maraming negosyo, humina ang benta ng mag-asawa sa panahon ng Covid19. Nguni’t higit pa sa krisis na ito ang mga dinanas nilang pagsubok sa buhay kaya’t nananalig sila na malalampasan nito ito.

Product Price
Burger Patty PHP 45 for 10 pieces
Siomai
PHP 60 for 30 pieces
Lumpiang Shanghai
PHP 40 for 10 pieces
Graham Balls
PHP 100 for 30 pieces
Pastillas
PHP 100 for 60 pieces

 

 

Contact Details: 

(0916) 724-3418

Facebook: Kayo Kayo Food Enterprise

Address:
51 Arandia Street, Tunasan, Muntinlupa City

Link: https://www.iskaparate.com/shirley-soliva

Share this article