Romualdo Blanco

Si Kuya ya Romualdo ay 29 anyos na padre de pamilya, tubong San Antonio, San Pascual, Batangas. Sila ng kanyang maybahay na si Ate Jovelyn ay biniyayaan ng isang anak na babae, si Princess Khaye, 10 taong gulang.

Bata pa lang si Kuya Romualdo ay likas na sa kanya ang pagiging masipag. Namasukan siya bilang pahinante ng isang soft drinks company, bilang delivery boy at all around boy sa isang putohan at maging pagtitinda ng fishball ay kanyang sinubukan. Sa anyaya ng isang kaibigan lumuwas siya ng Maynila upang makipagsapalaran at hanapin ang kanyang magandang kapalaran. Namasukan siyang muli bilang all around boy ng isang tindahan ng kakanin. Mula sa pagbabalat ng kamote, pagluluto hanggang pagdedeliver sa mga customers ay buong tiyaga niyang ginampanan habang pinag aaralan niya ang negosyong ito. Nang siya ay makaipon ng konting puhunan nagpasiya siya na bumalik na sa Batangas upang simulan ang kanyang negosyo sa tulong ng kanyang kabiyak na si Ate Jovelyn. Noon pa ay pangarap na ni Kuya Romualdo ang magkaroon ng sariling negosyo at ipinangako niya sa kanyang sarili na balang araw ay aangat din siya at hindi siya habang buhay magiging tauhan lamang. Kahit hindi nakarating sa kolehiyo si Kuya Romualdo ay taglay naman niya ang katangian ng isang magaling na negosyante - masipag, matiyaga, madiskarte at may positibong pananaw sa buhay. Dahil sa mga katangiang ito ay unti unting napalago ng mag-asawa ang kanilang munting negosyo. Mula sa isang tauhan noong 2018, ito ay lumago sa 11 tauhan sa kasalukuyan at sila ay nakakapagluto na ng humigit kumulang 8,000 piraso ng kanilang mga kakanin na kanilang dinadala sa mga restaurants, canteens ng mga pabrika at eskwelahan, at iba pang mga tindahan.

Sa sipag at tiyaga, pananalig sa Panginoon at tamang diskarte sa buhay, unti unti nang natutupad ni Kuya Romualdo at Ate Jovelyn ang kanilang mga pangarap para sa kanilang pamilya.

Pinangalanan nilang “PK Delicacies” ang kanilang negosyo, hango sa pangalan ng kanilang anak na si Princess Khaye. Sa pagdating ng pandemya, isa rin sila Kuya Romualdo sa naapektuhan ng pagtamlay ng ekonomiya. Mula sa 8,000 piraso bumaba ang kanilang produksyon sa 2,000 piraso na lamang. Ganunpaman, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang mag-asawa. Patuloy silang nagsusumikap at umaasa na babalik din sa normal ang lahat. Katunayan, naghahanda na rin sila sa karagdagang bagong produkto at makapag branch out na rin sa Cavite at Laguna.

Product Price
Puto per Box Php 150 for 20 pieces
Pitchi-Pitchi per Box Php 150 for 20 pieces 
Kutsinta per Box Php 150 for 20 pieces
Nilupak per Box Php 180 for 20 pieces
Maja's special per Tray Php 150 per tray

 

Contact details:

(0909) 615-1906

(0945) 559-8747

Email: jovelynblanco05@gmail.com

Facebook: Pk Delicacies

Address: San Antonio,San Pascual Batangas

Link: https://www.iskaparate.com/romualdo-blanco

 

Share this article