Rommel Villanueva

Si Tatay Rommel Villanueva ay 38 years old ipinanganak sa Lake Sebu, South Cotabato, bunso sa limang anak ng mga magsasaka. Tatlo ang kanilang anak ni Nanay Berlyn at lahat ito ay nag-aaral pa. Kasalukuyan silang naninirahan at naghahanapbuhay sa Lamba, Banga, South Cotabato.

Maraming negosyo si Tatay Rommel kabilang na ang isang maliit na internet shop, pag-aayos ng mga sirang appliances, at paggawa ng virgin coconut oil. Nagsimula siyang gumagawa ng virgin coconut oil pagkatapos siyang ma-diagnose ng atrial fibrillation, isang uri ng sakit sa puso. Sinabihan siya ng doktor na walang gamot sa kanyang sakit at kailangan na niya ang habang buhay na maintenance. Doon nagsimula ang kanyang interes sa herbal solutions. Napag-alaman niya sa pagsasaliksik na nakakapagpalakas ng immune system ang lauric acid na nakikita sa virgin coconut oil. Nag-umpisa siyang gumawa ng virgin coconut oil gamit ang cold press fermentation process, Puro at natural ang kanyang produkto at walang additives. Ito ang kanyang ininom upang makatulong sa pagpapagaling ng kanyang karamdaman. Marami ang nakapansin sa pag-inam ng kanyang kalusugan at nagtanong kung ano ang kanyang iniinom. Ipinaliwanag niya ang mga katangian ng virgin coconut oil sa kanila at inalok sila na bumili sa kanya. Marami ang sumubok sa kanyang produkto at nagustuhan naman nila ang epekto sa kanilang katawan. Patuloy ngayon ang pagdating ng mga order sa kanyang virgin coconut oil.

Malaki ang nabawas sa kita ng kanyang mga negosyo nang dumating ang pandemya. Bukod dito, maigting ang kompetisyon sa virgin coconut oil business at kadalasan ay kinakapos siya sa kapital. Umaasa pa rin si Tatay Rommel na makakabawi siya at mapapalago nila ng kanyang asawa ang kanilang virgin coconut oil business.

Product Price
Virgin Coconut Oil Php195

 

Contact details:

(0907) 490-0061 ;(0912) 276-2188

Email: villanuevarommel163@gmail.com

Address:

Lamba, Banga, South Cotabato 

Link: https://www.iskaparate.com/rommel-villanueva

Share this article

Liquid error: Could not find asset snippets/preorder-now.liquid