Ricci Altamarino

Si Nanay Ricci ay 34 years old, tubong Dumaguete City at kasalukuyang naninirahan sa Cainta, Rizal. Siya ay bunso sa dalawang magkapatid. Seaman ang kanyang ama at ang kanyang ina ay pumanaw na. Nagtapos siya ng kursong Computer Systems Design and Programming. Apat ang anak nila ng asawa niyang si Tatay Aaron Paul na isang police officer at nagtapos ng Criminology.

Maayos naman ang hanapbuhay ni Tatay Aaron Paul at nakapagpundar na ang mag-asawa ng tatlong apartment at isang tindahan na paupahan nguni't kailangan pa rin dagdagan ang kanilang kita dahil nag-aaral pa ang kanilang mga anak at nangangailangan ng espesyal na atensyon ang isa. Pinasok ni Nanay Ricci ang pagbebenta ng mga beaiuty products at alahas at nakakuha siya ng karagdagang kapital sa Kasagana Ka Credit and Savings Cooperative. Dumating ang panahon na mahirap mangolekta ng mga pautang kaya't nahirapan si Nanay Ricci. Lumala ang problema nang magkaroon ng lockdown dahil sa pandemya.

Dahil sa hirap ng negosyo, umalis ang nangungupahan ng kanyang tindahan noong Agosto 2020. Napilitan si Nanay Ricci na gamitin ang puwesto sa pagnenegosyo. Kulang ang kanyang kapital kaya't muli siyang lumapit sa Kasagana Ka at natulungan naman siya. Naging katuparan ito ng isang pangarap na magkaroon siya ng tapsilogan at tindahan. Ngayon ay pinagbubuti niya ang pagpapatakbo ng tindahan habang ginagampanan ang kanyang mga tungkulin bilang isang ina at asawa. Kahit naging matumal ang negosyo dahil sa pandemya, nakakatulong nang malaki ang pagkakaroon ni Tatay Aaron Paul ng permanenteng trabaho. Alam ni Nanay Ricci na babalik din ang sigla ng negosyo kapag nagapi na ang Covid19 virus. Buo ang kanyang kumpiyansa na aalalayan siya ng Kasagana Ka at iba pang may mabubuting puso upang matupad ang kanyang pangarap na mapalago ang kanyang negosyo at magkaroon ng franchise balang araw.

Product Price
Skinless Silog Php 25
Bologna Silog Php 25
Burger Silog Php 25
Shanghai Silog Php 25
Embosilog Php 15
Siomai Silog Php 25
Dimsum Chicken Siomai Php 25 for 5 pieces
Hotdog Silog Php 25
Ham Silog Php 25
Salami Silog Php 25
Burger with Egg Php 23
Pork Silog Php 40
Chicken Fillet Silog Php 35
Maling Silog Php 25
Hamburger Php 13
Pork Asado Siopao Php 17
Hotdog on Sticks Php 12
Hotdog Waffles Php 10
French Fries
Php 25 for special ;
Php 50 for overload
Dimsum Fried Noodles
Php 22 for plain;
Php 30 with 2 pcs of siomai
Burger, Egg, Cheese and Coleslaw Php 33
Cheese Hotdog Sandwich Php 20
Ham and Cheese with Coleslaw Php 23
Egg Sandwich Php 15
Daing na Bangus Php 210
Bangus Tinapa Php 210
Relyenong Bangus Php 200
Nachos Overload Php 50
Pork Shawarma Php 30
Chili Garlic Php 130

 

Contact details:

(0947) 725-6748 / (02) 8481-1925

Email: altamarinoricci@gmail.com

Address:

Sir Chief's Bentesinkosilog

#27 Midland Homes Subd. Gen Ricarte St. Cainta Rizal

Link: https://www.iskaparate.com/ricci-altamarino

Share this article