Rheian Aduca

Si Ate Rheian Aduca ay isang agriculture student na nagnenegosyo ng adenium plant. Isang maybahay at may isang anak. Mahilig siya sa halaman at may malaking interes sa organic farming. Lumaki siya na walang ama at nakita niya ang hirap ng ina sa pagtataguyod sa kanilang siyam na magkakapatid upang sila ay pag aralin. Ito ang naging inspirasyon niya upang magsikap sa buhay. Di man siya nakapagtapos ng pag aaral sa inaasahan niyang panahon, nagpapasalamat pa rin siya dahil naipagpapatuloy niya ito sa kasalukuyan. At higit sa lahat, ang anumang natutunan niya sa paghahalaman ay naibabahagi din niya sa kanyang mga kaibigan na syang laging tumutulong sa kanya sa lahat ng bagay. Bukod sa pangarap niyang ma-expand ang kanyang garden, nais rin sana niya na balang araw ay makilala ang kanyang halamanan upang makatulong ito sa kanyang pamilya at mahal sa buhay. Alay niya ang lahat ng ito para sa mga taong di tumitigil sumuporta at magtiwala sa kanyang kakayanan at sa potensyal ng adenium bilang isang negosyo. Nagsimula si Ate Rheian sa pag-graft ng adenium nung makakita siya sa kanilang kapitbahay ng iba't ibang variety ng adenium na mas kilala sa pangalang calachuchi. Mula noon, nagkainteres na siya sa halamang ito at unti unti nag-collect ng mga variety. Kalaunan, nakita niya ang potential nito sa market kaya naman nag offer siya ng grafting services sa mga kapitbahay na may mga ordinaryong adenium sa pagnanais na magkaroon ng pagkakitaan. Kasama ng kanyang asawang si Kuya Romeo, sila ay nag aral mag graft habang ang isang kaibigan naman niya ang naging isa sa mga tagahanap ng magpapa-graft. Hanggang sa sila ay nagsimula nang kumita at nakabili na ng 300 rootstocks upang palakihin. Patuloy pa rin siya sa pagtanggap ng magpapa-graft ng mga halaman nila upang makaipon ng pampuhunan para makabili pa ng mas maraming rootstock. Dahil sa pandemya, marami ang nagkainteres at nakakilala sa ganda ng adenium. Nataon naman ng pamumulaklak ng mga halaman ang pagsimula ng pandemic. Ngunit dahil sa lockdown nagtaasan lahat ng inputs sa paghahalaman. Ganunpaman, nagpatuloy pa rin si Ate Rheian sa paghahalaman para pangtustos sa araw araw na pangangailangan. Hindi siya nawawalan ng pag-asa sa paglago ng kanyang munting negosyo.

 

Product Price
Small Grated Adenium Php150 per piece
Medium Grated Adenium Php250 per piece
Large Grated Adenium Php350 per piece

 

 

 

Contact Details:

(0949) 859-2458

Email: rheianaduca05@gmail.com

Facebook: Yhan's Adenium Garden

Address:

Purok 6, Villarina Street, Villa Coloma
Bagabag, Nueva Vizcaya

 

Share this article