Nurayja Arabain

Si Nanay Nurayja ay 45 taong gulang na ginang mula sa Basilan, Mindanao. May dalawang anak sila ni Tatay Abdullah, ang kaniyang kabiyak. Bata pa lang si Nanay Nurayja ay marunong na siyang mag habi ng yakan dahil ito ang pinamanang kasanayan ng kanyang lola. Maaga siyang naulila sa ama at ang kanyang ina ay muling nag-asawa na naging dahilan para ang kanilang pamilya at nagkahiwahiwalay. Si Nanay Nurayja at ang kanyang mga kapatid ay kinalinga ng kanilang lola. Sa murang gulang na labindalawang taon, natutunan na niya ang mag design at mag pattern ng mga ginagawa nilang produkto mula sa paghabi ng yakan. Ito ang kabuhayan na nagtaguyod sa kanilang pamilya.

Pinangarap ni Nanay Nurayja na patapusin sa kolehiyo ang kanyang mga kapatid. At dahil di sapat ang kita nila sa paghabi ay napilitan siya na magtrabaho sa ibang bansa. Nagpunta siya sa Brunei at doon ay nagtrabaho ng limang taon. Sa loob ng limang taon ay nakapag-asawa siya at nagsilang ng kanyang panganay. Subali't nang magsilang siya ng kanilang pangalawang anak, nagpasiya si Nanay Nurayja na huwag nang bumalik sa Brunei dahil mahirap ang mawalay sa kanyang mga anak. Pinagpatuloy na lamang niya ang paghabi ng yakan. Ito naman ang kanyang passion at masaya siya sa gawaing ito. Ang paghabi at pagtahi ng iba't ibang produkto ang naging paraan niya para maitaguyod niya ang kanyang pamilya. Dahil sa sipag, tiyaga at angking talino sa paglikha ng magagandang bagay mula sa habi ng yakan, siya ay napansin ng kanilang alkalde at ng iba't ibang opisyal ng lokal na pamahalaan.

Taong 2018 ng dumating ang swerte sa buhay ni nanay Nurayja. Siya ay nagkaroon ng sariling tindahan sa tulong nga kanilang alkalde at ng pangalawang pangulo. Maluwag naman niyang ibinahagi ang kanyang suwerte sa pamamagitan ng pagtuturo ng paghabi sa mga kababaihan sa mga karatig na probinsiya. Maayos na sana ang kanyang negosyo nguni't dumating ang pandemya. Bumaba ang kita ni Nanay Nurayja na lubha niyang ikinabahala. Ang dating masiglang negosyo niya ay naging matamlay dahil wala nang turistang nakakapasyal sa kanilang lugar at sa buong Mindanao. Nahinto na rin ang pag-imbita sa kanya sa iba't ibang lugar upang mag exhibit ng kanyang mga produkto. Marami ang tulad niya na humahabi na lubhang naapektuhan ng pandemya. Ganun pa man, hindi nawawalan ng pag-asa at tiwala si Nanay Nurayja sa Poong Maykapal. Patuloy pa rin siya sa paghahanapbuhay at paghahanap ng merkado para sa kanyang mga produkto.

 

Product Price
Seputangan Alang 2 (Medium) Php1,000.00
Sinaluan Php2,000.00
Pagal Batu Php1,700.00
Birey 2 Php1,000.00
Table Runner Php500.00

Sling Bag small

Sling Bag medium

Php300.00

Php500.00

Coin Purse small

Coin Purse medium

Coin Purse large

Php40.00

Php60.00

Php100.00

Stola Php500.00
Slippers Php320.00
Clutch wallet Php150.00
Shouder Bag Php600.00
Pouch Php100.00
FaceMask Php100.00

 

 

Contact Details:

(0906) 919-1811

Email: arabainnurayja@gmail.com​

Facebook: Nacks Yakan Cloth and Accessories

Address:

NACKS Yakan Cloth and Accessories 
GF17, Old Market, Lamitan City, Basilan

 

Share this article