Nila Causing

Si Nanay Nila Causing ay 48 years old, ipinanganak at kasalukuyang naninirahan sa Cavite. May tatlo silang anak ng asawa niyang si Tatay Alvin. Kapwa sila tapos sa kolehiyo at ngayon ay magkatulong sa negosyo.

Ang mga magulang ni Nanay Nila ay coffee farmers at mahigit nang limampung taon silang nagsasaka. Matagal silang nagbebenta ng kape sa isang malaking kumpanya nguni't noong 2017, nagpasiya si Nanay Nila na maging agripreneur at gamitin ang ani ng kanilang coffee farm sa Silang Cavite upang maghandog ng fresh at high-quality coffee sa mga consumer. Mula sa isang maliit na kumpanya na nagbebenta sa mga kaibigan at munting tindahan, lumago ang Project Beans Company sa tulong ng Department of Trade and Industry at ilang non-profit organizations. Mayroong lisensya ang kumpanya mula sa Food and Drug Administration bilang food trader. Ang mga produkto ni Nanay Nila ay mabibili ngayon sa mga malalaking supermarkets at retail outlets tulad ng SM Kultura, SM Department Store Snack Exchange, Double Dragon City Mall Stores, ilang Waltermart stores, Balikbayan stores, at Go Lokal outlets sa Metro Manila.

Nais ni Nanay Nila na lalo pang pag-ibayuhin ang kalidad ng kanyang mga produkto upang makilala ito sa buong mundo. Dahil alam niya na hindi madaling kumita sa pagtatanim ng kape, nais niyang tulungan ang mga magsasaka at bigyan sila ng maaasahang outlet sa kanilang ani sa magandang presyo.​


Product Types
Product Price
Arabica Coffee Ground
Php 300
Arabica Coffee Beans
Php 290
Barako Coffee Beans
Barako Coffee Ground
Php 270
Php 280
Coffee in Tea Bag Arabica
Php 220
Coffee in Tea Bag Barako
Php 215

 

Contact Number:

(0917) 805-6392

Email: projectbeans@yahoo.com

Address: 

Dasmariñas Townsville, Dasmariñas, Cavite

Link: https://www.iskaparate.com/nila-causing

Share this article