See Exclusive Deals for the Christmas Season!

Nelia Gorion

Ang 35 anyos na ginang mula Antipolo City, si Nanay Nelia, at ang kanyang kabiyak na si Tatay Luisito, 42 anyos, ay may mga mithiin sa buhay na gustong tuparin para sa kanilang dalawang anak na parehong nag-aaral pa. Nagtapos si Nanay Nelia ng fashion designing sa kolehiyo. Ang pagkakaroon ng pamilya ay hindi naging hadlang upang makapagtayo siya ng negosyo kung saan puwede nyang gamitin ang natutuhan nya sa kolehiyo – fashion designing. Nagsimula siya sa dalawang makina at isang kasamang mananahi noong 2015. Ang maliit na negosyong ito ay kanyang napalago at nakapagbigay siya ng trabaho sa mga nawalan ng hanapbuhay. Ang pagdating ng Covid19 pandemic ay naging isang malaking hamon para sa negosyo ng mag-asawang Nelia at Luisito. Dahil sa kawalan ng transportasyon, nahirapan silang gumala upang mamili ng materyales. Naging mabagal ang pag-usad ng kanilang negosyo. Subali’t hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Nanay Nelia na muling sisigla ang ekonomiya sa hinaharap at handa syang humarap sa bagong normal tulad ng sinasabi ng mga namumuno sa ating bayan.

 

Product  Price

Face Mask (2 ply)

Face Mask (3 ply)

PHP 20

PHP 30

 

Contact Details:

(0916) 833-0567

Email: neliagorion@gmail.com

Facebook: Nelia Balod Couture

Address: 

Don Vicente Avenue, Purok 2, Penafrancia Antipolo City

 

Share this article