Myra Sharon Barnobal

Si Nanay Myra Sharon Rose ay 37 years old, naninirahan sa Valenzuela, Metro-Manila at asawa ni Tatay Paul. Mayroon silang isang anak na 14 taong gulang. Mahilig ang pamilya sa Pinoy style na almusal – danggit, tuyo o dried pusit na kapag ipinares mo sa mainit na sinangag at kape ay tiyak na maghahatid ng saya sa hapag kainan. Napagtanto ni Nanay Myra na pwede itong maging negosyo upang masilbihan ang mga kababayang gustong kumain ng tuyo o danggit subali’t walang oras magluto o di kaya’y hindi gusto ang amoy nito habang niluluto. Kaya nag negosyo si Nanay Myra ng gourmet tuyo, pusit at dulong noong taon 2017. Ipainit lang pwedeng nang kainin agad. Pumatok ang kanyang negosyo at naging extra income nila habang sila ay full time na namamasukan sa isang kumpanya.

Ngayon panahon ng pandemya laking pasasalamat ni Nanay Myra sa Maykapal na lalong lumago ang kanilang munting negosyo at nagkaroon sila ng oras upang tutukan ito. Ang mithi nila ay mapalago ang kanila Gourmet Food Products na negosyo.​

 

Product Price
Crispy Gourmet Pusit Php240 for 330 grams jar
Crispy Gourmet Tuyo Php230  for 330 grams jar
Crispy Gourmet Dulong Php230  for 330 grams jar
Gourmet Bangus Belly Php280 for 330 grams jar

 

 

Contact Details:  

(0969)0104178

Email: contact.iskaparate@gmail.com

Messenger:  iskaparate.com

Link: https://www.iskaparate.com/myra-sharon-barnobal

Share this article