See Exclusive Deals for the Christmas Season!

Milagros Santos

Maraming pagsubok sa buhay ang dinaanan si Nanay Milagros, 56 years old at naninirahan sa Antipolo City. Pangwalo siya sa labingtatlong magkakapatid at nakatapos ng second year college. Single mother siya at inspirasyon niya ang kanyang apat na anak na itinataguyod niya sa pagbebenta ng peanut butter at atsara. Ang panganay niyang anak ay tapos ng kursong BS RAD Tech at kasalukuyang nagtratrabaho sa Antipolo General Hospital. Dalawang anak na babae ang nagtratrabaho sa Robinsons Mall sa Antipolo habang ang bunso naman ay naghahanapbuhay bilang pahinante sa Reno Liver Spread Company.

Nag-umpisa si Nanay Milagros sa paghahanapbuhay bilang tindera ng suman at kasoy. Noong 2005 ay nagpasya siyang magnegosyo at nagtayo siya ng sari sari store. Limang taon matapos siyang magtayo ng sariling tindahan, pinasok rin niya ang peanut butter business matapos siyang turuan ng isang kaibigan na gumawa ng peanut butter. Nang kalaunan ay nadagdag ang atsara sa kanyang mga produkto. Ngayon ay marami na siyang reseller at maayo ang takbo ng kanyang negosyo. Malaki ang naitulong ng pagsapi niya sa Kabuhayan sa Ganap na Kasarinlan Credit and Savings Cooperative (K-Coop).
Humina ang negosyo niya sa panahon ng Covid19 dahil hindi siya makalabas ng bahay. Ngayon ay unti unti nang bumabalik ang mga orders at umaasa siyang makakabalik sa dating benta.

 

Product Price
Atchara Php80.00

Peanut Butter (Small)

Peanut Butter (Medium)

Peanut Butter (Large)

Php50.00

Php120.00

Php130.00

 

 

Contact Details:

(0922) 394-8201

Email: milessiena18@gmail.com

Address:

40 Manuel L. Quezon Street, Brgy. Dela Paz, Antipolo

 

 

Share this article