Melanie Tabernilla

Si Nanay Melanie ay 31 years old, single mother at naninirahan sa San Pedro Laguna. May isa siyang anak na pitong taong gulang. Ang mga magulang ni Melanie ay galing sa Oriental Mindoro. Isa si Melanie sa pitong magkakapatid. Nakatapos si Melanie ng high school at namasukan sa kumpanyang Tsukiden Technopark. Noong Mayo 2020, sa gitna ng community quarantine ay naisipan ni Nanay Melanie na magtinda ng pagkain online. Kahit hindi agad siya nakakuha ng customer, pinagpatuloy niya ang kanyang food business hanggang sa ito'y unti unting nakilala. Bago pa mag pandemya, sinubukan na ni Nanay Melanie mag direct selling at maging reseller ng iba't ibang produkto. Nguni't dahil sa quarantine, humina ang kita niya dito kaya naisipan niyang pasukin ang pagbebenta ng pagkain. Walang hindi gagawin na marangal na hanapbuhay si Nanay Melanie alang alang sa kanyang anak. Napagtanto din niya ang kahalagahan ng pagsinop ng perang pinagkakitaan at ang pagtulong sa mga nangangailangan kung mayroon din lang kakayanan. Proud si Nanay Melani sa kanyang mga lutong pagkain tulad ng chicken cordon bleu na may halong ham and cheese at home made garlic sauce. Ang kanyang banana loaf ay authentic at di tinipid ang main ingredient na saging. Ang leche flan niya ay creamy at ang pambalot niya ng lumpia ay gawa sa itlog. Nagtitinda din siya ng ubas na malutong at matamis.

 

Product Price
Cordon Bleu Php 120
Grapes Php 200 per kilo
Lumpiang Sariwa Php 120
Banana Loaf Php 150
Leche Flan Php 120

 

 

Contact Details:

(0918) 203-7000

Email: leightabernilla@gmail.com

Address:

No. 63, Block 1, Lot 18, Yakal Street
Calendola Village, San Pedro, Laguna

Share this article