Find the perfect gift for your loved ones this Valentines!

Mary June Basa

Si Nanay Mary June Basa ay 35 years old, asawa ni Tatay Aljun, at may dalawang anak. Sila ay naninirahan sa Rodriguez, Rizal.

Dahil sa lockdown, alam ni Nanay Mary June na mahihirapan siyang maghanap ng birthday cake para sa sarili niyang kaarawan noong Hunyo. Nagpasiya siyang gumawa ng sariling cake pagkatapos manood ng mga tutorial sa youtube. Ipinakita niya sa Facebook ang ginawa niyang cake at marami ang humanga. Nakatanggap siya ng mga order sa mga kamag-anak at kaibigan. Dahil dumadami ang mga order at dahil nakasara naman ang kanyang sari sari store sanhi ng lockdown, sineryoso niya ang baking. Gumagawa siya ngayon ng customized cake na may iba't ibang flavor. Siya mismo ang gumagawa at nagdadala ng cake sa mga customer upang mapanatili ang kalidad nito.

Mahirap man gumala sa panahon ng pandemya, dumami ang mga order ni Nanay Mary June dahil sa pagsisikap niyang magbenta online at pasiyahin ang kanyang mga buyer. Pangarap niya na makilala sa maraming lugar ang kanyang produkto at magtuloy-tuloy ang pagdami ng mga bumibili sa kanya.

Product Price
Cakes with 12 cupcakes Php1,500 - Php1,800

Cakes without cupcakes

Php1,300.00
Money cake Php1,300.00

 

Contact Details:  

(0969)0104178

Email: contact.iskaparate@gmail.com

Messenger:  iskaparate.com

Share this article