Mary Ann Serrano

Si Nanay Mary Ann ay 37 years old, naninirahan sa Antipolo City, asawa ni Tatay Ariel, at may tatlong anak. Isang overseas worker si Tatay Ariel at pabalik na sana sa Saudi Arabia noong Marso pagkatapos magbakasyon sa Pilipinas nguni't dumating ang Covid19. Dahil hindi kaagad makabalik sa kanyang trabaho si Tatay Ariel, nagpasya ang mag-asawa na manahi ng medical garments upang matugunan ang malaking pangangailangan ng mga health workers para sa masks, PPE, scrubsuits, at bib. Nais palaguin ng mag-asawa ang kanilang negosyo upang hindi na kailanganin na bumalik pa sa Saudi Arabia si Tatay Ariel. Bagaman malaki ang demand sa kanilang mga produkto, nagiging malaking balakid sa kanila ang quarantine dahil pigil ang kanilang paglabas para magbenta. Bukod dito, labis silang nag-iingat para hindi dapuan ng Covid19 lalo na't may tatlo silang anak na maliliit pa. Umaasa si Nanay Mary Ann na makakatulong ng malaki ang online selling upang lalong mapansin ang kanilang mga produkto. Tinitiyak niya sa mga customer nila na maayos at matibay ang kanilang gawa

 

Product Price
Face Mask (Bulk Order) Php 35 with Print
Face Mask (Bulk Order)  Php 25 without print
PPE Bunny Suit Php 650
Scrub Suits with Piping Php 550 Small to XL
Lab Gown with Zipper Php 650
Scrub Suits Jersey Style Lacoste Cotton Material Php 575 (XS to XL)
Bib Php 150

 

 

Contact Details:

(0910) 238-0303 / (0917) 913-9940

Email: goldenplatinum77@gmail.com

Facebook: Ariel Serrano

Address:

Purok 5, Zone 8, Cupang, Antipolo City

 Link: https://www.iskaparate.com/mary-ann-serrano

Share this article