Marissa Licuanan

Si Nanay Marissa ay 53 years old, galing Bicol nguni’t laking Maynila, asawa ni Tatay Romero, at may tatlong anak. Nag-umpisa siyang magnegosyo noong 1994. Dahil alam niya kung saan kukuha ng kagamitan at kung saan maganda magtinda, gumawa siya ng pamaypay at rosary upang mailako sa Quiapo at Baclaran. Wala siyang puwesto at dumadayo lamang siya kung saan maraming buyer.

Ipinagmamalaki ni Nanay Marissa na ang lahat ng kanyang produkto ay matibay at magandang pangregalo at pang-sourvenir. Ang kanyang mga pamaypay at bracelet ay may magandang disenyo at puwedeng gawing customized.

Dahil sa Covid19, naging mahina ang negosyo ni Nanay Marissa dahil nakasara ang mga simbahan at walang mga devotees. Marami tuloy na malaking buyer ang nag-cancel ng mga order ng rosary. Habang krisis, sinisikap ni Nanay Marissa na maglako ng iba pang produkto para makatawid.

Product
Price
Pamaypay Kawayan
Retail:Php 25 per piece
Wholesale:Php 20 per piece
Pamaypay Anahaw
Small: Php 20 per piece
Medium: Php 25 per piece
Large: Php 35 per piece
(May discount na PHP 5 kung wholesale)
Bracelet PHP 25 to PHP 50 per piece
Rosary PHP 10 to PHP 25 per piece

 

 

Contact Details:

(0909) 279-5457

Address:

Lambakin, Marilao, Bulacan 

Link: https://www.iskaparate.com/marissa-licuanan

Share this article