Marianne Dalistan

Si Nanay Marianne Dalistan ay 25 taong gulang na single mother. Isang taong gulang na ang kanyang anak.

Dati siyang namamasukan bilang receptionist ng My Health Clinic subali't nawalan siya ng trabaho dahil sa kawalan ng kliyente sa kanilang clinic. Bagama't tinutulungan siya ng ama ng kaniyang anak, kulang pa rin ang kaniyang kinikita para sa kanilang mag-ina. Noong January 2020 ay nakaisip si Nanay Marianne na mag-umpisa ng online selling sa udyok na rin ng kanyang nakababatang kapatid na may negosyong household products. Sinimulan niya ang kaniyang Facebook Page na Mistystarr Shop.

Nang dumating ang pandemya humina ang online business ni Nanay Marianne kaya naisipan niyang dagdagan ng personal care and beauty products ang kanyang online store sa tulong ng kaniyang kaibigan. Naging natural ito para sa kanya dahil mahilig siya sa mga whitening soaps at mga produktong ginagamit na proteksyon laban sa mga lamok at insekto na nagdudulot ng sakit. Ilan sa mga produkto niya ay ang KPPM Crystalline Soft na isang conditioner at mainam sa hair treatment, ang Citromint Organic na puwedeng gamiting spray sa buong bahay bilang proteksyon laban sa lamok, ang Citromint Pure Oil na puwedeng ihalo sa tubig at gamiting panglampaso sa sahig o humidifier, at ang kanyang G21 products na nakakaputi at nakakakinis ng balat.

Malaki ang pag-asa ni Nanay Marianne na mapapalago niya ang kanyang mga customer. Sa kabila ng pagpapahirap na idinulot ng pandemya sa lahat ng tao, nagpapasalamat pa rin siya dahil nagkaroon siya ng oras na maalagaan ang kaniyang sanggol habang umiiral ang quarantine.

Product Price
Citromint Organic Php200.00
Citromint Organic Pure Oil Php900.00
KPPM Crystalline Soft Php250.00
G21 Kojic Honey Oatmeal Php130.00
G21 Golden Dust Php155.00
G21 Sakura Set Php757.00
G21 Glass Skin Php551.00

 

Contact details:

(0923) 089-7379

Email: dalistanmarianne21@gmail.com

Facebook: Misty Star

Address: 

1181 Josefina Street, Sampaloc, Manila

Link: https://www.iskaparate.com/marianne-dalistan

Share this article