Maria Teresa Hermocilla

Si Nanay Teresa Hermocilla ng San Jose Del Monte City, Bulacan ay 37 years old, asawa ni Tatay Richgen, at may tatlong anak. Dalawa sa mga anak niya ay nag-aaral pa samantang ang bunso ay 4 years old pa lang. Bago pa magka pandemya, plant souvenirs na ang negosyo ni Nanay Teresa.  Nag-umpisa siya noong November 2019 at nagbebenta siya ng plant souvenir items para sa mga events tulad ng kasal at iba pang pagtitipon na kailangan ng souvenirs.  Ang mga produkto niya ay mura nguni't magaganda at tamang tama sa maraming okasyon.  
Nag-umpisa siya sa pailan ilang piraso at ito ay kanyang unti unting pinalago.  Subali't dahil sa Covid19, malaki ang nabawas sa mga order ni Nanay Teresa dahil sa mahigpit na quarantine.  Mula sa pinakamaliit na order na limampung piraso bago magkaroon ng lockdown, bumagsak sa sampung piraso na lamang ang mga order sa kanya.  Hangad at dasal ni Nanay Teresa na makabalik sa normal ang kabuhayan ng lahat.  Samantala, patuloy siyang umaasa na gaganda pa ang kanyang negosyo lalo na ngayon na maraming nagkaka-interes sa paghahalaman.  Sa pamamagitan ng online selling, sisikapin ni Nany Teresa na ibalik ang sigla ng negosyo upang dumami ang parokyano ng kanyang mga plant souvenirs. 

Assorted Succulents With Eco Wrap (Minimum of 30pcs per Order)

Php3,150.00

 

Black Prince With Jute Cloth (Minimum of 30pcs per Order)

Php3,150.00

Mini Assorted Souvenirs (Minimum of 30pcs per Order)

Php2,550.00

Mini Rustic Rose Cabbage (Minimum of 30pcs per Order)

Php2,550.00

Rose Cabbage With Jute Cloth (Minimum of 30pcs per Order)

3,150.00

 

 

Contact Details: 

(0969) 0104178  

Email: 

contact.iskaparate@gmail.com

Link: iskaparate.com

Share this article